Kilalanin ang tatlong napakacute na anak ni Patrick Garcia sa kaniyang mapakagandang asawa na si Nikka Garcia

Bata pa lamang sa edad na 9 na taong gulang ay lumaki na si Patrick Garcia bilang isang sakristan sa St. Parish Church na pinangungunahan ni Father Paul Abiyog of Ayala. At noong ito ay nasa edad 13 taong gulang, nagsimula siyang maging isang aktor sa showbusiness sa pamamagitan na rin ng tulong ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Chesa Garcia-Kramer.

Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia



Sa pinaka unang pagkakataon sinubukan ni Patrick na pasukin ang buhay artista ng nag audition siya sa isang 1994 Philippine movie na pinangalanang “Separada”. Hindi naman nabigo ang childstar sapagkat agad agad siyang nakuha at naging parte ng pelikulang ito. Simula noon tuloy tuloy na nga ang kaniyang iba’t ibang proyekto kung saan tinagurian din itong “Crush ng bayan” sa kadahilanang talaga namang nakaka antig ang kaniyang itsura.

Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia

Talagang marami ang napahanga at naka-antig sa kakaibang karisma ni Patrick hanggang sa napangasawa niya si Nikka Martinez. Ikinasal ang dalawa noong March 2015 at ngayon ay mayroon na silang tatlong magagandang anak. Hindi rin lingid sa kaalaman ng nakararami na may isang anak din ito sa kapwa niya artista na si Jennylyn Mercado na ngayon ay 12 taong gulang na.

Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia
Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia
Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia



Bago pa nga maging isang ganap na ama ang actor madami raw ang nagsabi sakanya na hindi basta basta ang maging isang ama dahil ito raw ay napakahirap. Subalit kung titignan ay tila ba mayroon na itong isang perfect family dahil napakaganda ng kaniyang mga anak at napakaganda rin ng kaniyang asawa.

Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia
Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia

Ang tatlong babaeng anak nito ay sina Michelle, Patrice at Pia na talaga namang nagmana ng magandang lahi sa kanilang Mommy at Daddy dahil napakacute ng mga ito.

Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia

Ayon sa asawa nito na si Nikka, proud na proud siya kay Patrick dahil isa rin itong full time daddy sa kanilang mga anak kung saan madalas makita na siya ang kasa-kasama ng mga bata. Kung titignan ay napakaganda ng kaniyang pamilya dahil madalas din silang mag-bonding kasama ang mga ito kung saan nagbabakasyon sila sa iba’t ibang lugar.

Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia
Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia

Makikita din na napaka responsableng Ama nito at mabuting asawa kay Nikka Garcia. Ayon kay Patrick, kahit na hindi na ito gaanong aktibo sa kaniyang career sa industriya ay masaya pa din ito dahil mayroon siyang tatlong mga anak na kung saan dito niya nahanap ang kaniyang kaligayahan.

Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia
Image Courtesy: Instagram/onlypatrickgarcia

Ang pagiging isang Ama ayon sa aktor ay para na rin daw isang pelikula dahil mayroong tawanan, iyakan at habulan.

Congrats Patrick sa iyong happy and beautiful family!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *