Masayang-masaya na ibinahagi ni Baron Geisler ang kaniyang napaka-cute na Baby Girl

Proud na proud na ibinahagi ni Baron Geisler sa kaniyang Social Media Account ang kaniyang bagong silang na baby daughter sa asawang si Jamie Marie. Maaalala na ikinasal ang dalawa noong September 12, 2019 lamang sa Quezon City Hall sa isang simpleng civil wedding.

Image Courtesy: Instagram/Baron.Geisler



Matapos ang ilang mga kontrobersiya na ikinasangkot ni Baron Geisler dahil sa mga maling desisyon noon sa kaniyang buhay ay ngayon naman ay focus na ito sa kaniyang bagong pamilya at sa kaniyang bagong baby na si Thalita na isinilang sa Chong Hua hospital sa Cebu.

Image Courtesy: Instagram/Baron.Geisler

Makikita sa kaniyang Instagram post na todo suporta ito sa kaniyang asawa sa panganganak sa kanilang baby at hindi mapigilan ng aktor ang kaniyang tuwa ng mahawakan niya sa unang pagkakataon ang kaniyang bagong anak.

“I’m inlove. #Imagine #TalithaCumiGeisler #LittleGirlArise #ThankYouJesus”, caption ni Baron sa kaniyang Instagram Post.

Napakaraming mga issues ang pinagdaanan ni Baron sa kaniyang buhay showbiz pero isa sa pinakamagandang balita nito ay nang malaman ng mga netizens na ikakasal ito sa kaniyang psychologist girlfriend na Jamie Evangelista.

Image Courtesy: Instagram/Baron.Geisler

Ayon sa dalawa, plano rin nila na magkaroong ng church wedding ngayong taon subalit hindi pa kumpirmado kung kailan ang eksaktong araw ng kanilang kasalan lalo na ngayon na magiging busy ang dalawa sa pag-aalaga sa kanilang newborn.

“Thank you Dra. Sheila Tequillo and to the entire staff for taking good care of us. Appreciate it very much. Godbless you folks! Praise God that we are finally home safe and sound,” ito ang pasasalamat ni Baron para sa mga medical team na tumulong sa kanilang mula ng maglabor ang kaniyang asawa hanggang sa naisilang si Baby Thalita.

Image Courtesy: Instagram/Baron.Geisler
Image Courtesy: Instagram/Baron.Geisler



Mula bata pa lamang ay kilala na si Baron bilang pasaway at magaling na aktor dahil nagsimula itong maging isang child star noon at bumida sa ilang mga pelikula. Marami rin ang talagang nanghinayang sa takbo ng career ng Actor dahil sa mga nagawa nito noon subalit ngayon ay tila bumabangon na siya ng dahan-dahan at nagiging mas mulat na ito sa kaniyang buhay.

Image Courtesy: Instagram/Baron.Geisler

Kaya ganun na lamang kasaya ang mga netizens ng makita na unti unting bumabalik sa tamang landas ang actor at lalo na ngayon ibinahagi nito na proud ito sa kaniyang baby girl.

Sa kasalukuyan, napagdesisyunan din ng aktor noong nakaraang Setyembre na babalik ulit ito sa pag-aaral at kukuha ng bachelor’s degree in Theology.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *