Mas Pinipili ni Lucy Torres at Richard Gomez ang buhay probinsya sa Ormoc dahil sa napakagandang tanawin rito

Madalas na makita sina Lucy Torres at Richard Gomez sa ibang bansa dahil isa na nila itong past time upang makapagbonding silang magasawa. Subalit sa kabila ng hectic na schedule ng kaniyang asawa na si Richard Gomez, madalas din nagpapalipas oras ang mga ito sa Ormoc City kung saan lumaki si Lucy.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez



Image Courtesy: Instagram/richardgomezinstagram

Si Lucy ay ang kasalukuyang 4th District Representative ng Leyte kaya naman madalas silang pabalik balik ng kaniyang asawa sa Ormoc dahil may ilang mga bagay itong kailangang asikasuhin kasabay na rin ng pagbisita sa kanilang old house doon.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Tuwing sila ay umuuwi sa Ormoc ay tila nag eenjoy naman si Richard sa buhay probinsya dahil napakaganda ng bahay nina Lucy kung saan ito lumaki at mas natutuwa ito dahil sa fresh air at magandang mga tanawin.

Image Courtesy: Instagram/richardgomezinstagram

Sa katunayan, simple lamang ang bakasyon nila noong nakaraang pasko dahil umuwi sila sa Ormoc upang magbakasyon sa natitirang araw ng taon.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Ibinahagi ni Lucy na masaya na raw ito na kasama ang kaniyang pamilya habang nakikita ang magandang tanawin at ang kanilang mga alagang manok at gansa sa kanilang bakuran habang nagsusulat ng kaniyang Christmas cards na ipinapamigay sa kaniyang mga kaibigan.

“The last afternoon of the decade. Spent quietly and at home, in Ormoc City where I grew up. I wrote out more Christmas cards, made friends with the chicken and geese in our backyard, enjoyed the warmth of blue skies and a yellow sun,” caption nito sa kaniyang Instagram post.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez
Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Maging si Richard ay mas pinipili niya ang ganitong bakasyon kung saan sa tuwing ito raw ay walang trabaho, mas pinipili niya na bantayan ang kanilang mga alagang hayop at pakainin ito habang ineenjoy ang simoy ng hangin.

Image Courtesy: Instagram/ricahrdgomezinstagram
Image Courtesy: Instagram/lucytgomez
Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Ang mga magulang ni Lucy na sina Manuel “Manoling” Torres Jr. at Julie Martinez ay nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupa sa probinsya na ito at mayroon rin silang taniman ng sugar cane o tubo.

Image Courtesy: Instagram/ricahrdgomezinstagram



Malawak ang bakuran ng tahanan ng mga ito kaya maraming space upang makapag-alaga ng mga hayop gaya ng manok at gansa. Pwedeng-pwede rin dito ganapin ang malalaking handaan sa kanilang hardin kung saan madalas mag morning breakfast sina Lucy.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Malaki rin ang kabuuan ng mismong bahay at ang mga kwarto pati na ang mga common rooms kagaya ng sala ay maganda rin ang pagkaka-ayos. Alam ng marami na mula sa may-kayang pamilya si Lucy, kaya naman hindi na kataka-takang napakalaki ng ari-arian ng kanyang pamilya sa kanilang probinsya.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Ang mag-asawa ay mayroon ring bahay sa Forbes Park sa may Makati City ngunit mas naglalagi ang mga ito sa Leyte kasama ang kanilang anak na si Juliana, dahil maliban pa sa kadahilanang si Lucy ay lumaki sa probinsyang ito, sa mga nagdaang taon ay parehong pumasok sa pulitika sina Lucy at Richard upang magbigay ng kanilang serbisyo sa publiko.

Image Courtesy: Instagram/richardgomezinstagram

Sa panahon na sila ay walang inaasikasong trabaho, madalas na mag-picnic sina Lucy sa taas ng bundok kung saan kasama ang kanilang mga kaibigan habang overlooking ang mga napakagandang bundok at tanawin. Mayroon rin itong little hill house kung saan madalas rin silang mag umagahan habang tanaw na tanaw ang pagsikat ng araw.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez
Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Mukhang hiyang ang buhay probinsya sa mga ito at malamang na nakasanayan na rin nila ang mas simpleng buhay doon kahit pa ilang taon rin silang namuhay sa lungsod ng Maynila.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *