Mich Liggayu ng “JaMich”, Ibinahagi ang napakagandang mensahe patungkol sa panibagong yugto ng kaniyang buhay

Ilan taon na rin ang nakakalipas mula noong sumikat sa Youtube at social media ang real life couple na sina Jam Sebastian at Mich Liggayu na tinawag ng mga fans bilang JaMich. Ang kanilang mga videos ay nagpakilig sa maraming tao kaya naman talagang pumatok ang kanilang kwento sa marami, ngunit ang lahat ng ito ay nauwi sa malungkot na kaganapan dahil pumanaw si Jam halos limang taon na ang nakararaan dahil sa isang malubhang karamdaman.

Image Courtesy: Instagram/Michliggayuofficial



Ikinalungkot ng mga tagasubaybay nila ang nangyari, lalong-lalo na ng girlfriend nitong si Mich, gayunman ay nanatili ito sa tabi niya hanggang sa ito ay tuluyan nang namaalam.

Mahirap man ay nagpatuloy ang buhay ni Mich at sa kasalukuyan ay may iba na itong kasintahan. Sa kanyang Instagram account ay nagpo-post ito ng mga litrato kasama ang isang lalaki ngunit kadalasan ay hindi kita ang mukha nito.

Ginulat na lamang niya ang kanyang mga fans nang mag-upload siya ng isang “Save the date” video sa sarili niyang Youtube channel noong August 30, 2017. Hindi ipinakilala ni Mich ang kaniyang bagong boyfriend dahil para sakaniya ay mayroong tamang panahon kung kailan niya ito ibabahagi sa kaniyang mga followers.

Image Courtesy: YoutubeMichliggayu

Hirap na hirap si Mich na ibahagi ulit sa publiko ang kaniyang buhay dahil na rin sa nangyari sakaniya noon. Kaya naman ngayon na may biyaya itong matatanggap, hindi na nito mapigilan na i-share ito sa kaniyang mga tagahanga.

Sa panibagong yugto ng kaniyang buhay, ipinakilala ulit ni Mich at ikinukwento nito sa kaniyang vlog kung gaano ito kahirap na lumaban sa lahat ng kaniyang pinagdaanan noong nakalipas na ilang taon.

Image Courtesy: Instagram/Michliggayuofficial

Sa kaniyang video, umiiyak ito habang ibinabahagi niya ang hirap na kaniyang naranasan sa pagbangon na muli sa kaniyang buhay. Kaya naman nang bigyan siya ng isang magandang blessing ni Lord, tila ba naramdaman daw nito na isang second chance in life ang pangyayaring ito.

Hindi madali ang kaniyang pinagdaanan kaya naman hiling ni Mich sa kaniyang mga solid Jamich supporters na sana ay respetuhin nila ang kaniyang bagong buhay ngayon dahil nais na rin naman niyang magsimula ng panibago na malayo sa pain at heartaches.

Hiling din nito na sana raw ay tanggapin nila ang kaniyang new partner dahil napakabuting tao raw nito at siya ang tumulong para sumaya si Mich matapos ang mga pangyayari sa kaniyang buhay.

Image Courtesy: Instagram/Michliggayuofficial



28 years old pa lamang si Mich at gaya ng lahat ng babae ay nais din naman daw niyang magkaroon ng isang simple at masayang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/Michliggayuofficial

Kaya naman sa magandang balita ay ibinahagi nito na siya ay buntis na at excited na makita ang kaniyang baby. Masayang ibinahagi ni Mich ang big blessing nito sa mga netizens upang magbigay ng inspirasyon sa mga tao at ipakita na hindi tayo pinapabayaan ng Panginoon.

Image Courtesy: Youtube/Michliggayu

Nakakalungkot man na isipin na hindi sila itinadhana ni Jam subalit may purpose ang Panginoon para dito. Sana po ay maintindihan natin si Mich at maging masaya na lamang tayo para sa kaniya dahil nasaktan na po siya ng sobra noon. Panahon naman para makaramdam siya ng tunay na kaligayahan sa buhay. We love you, Mich!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *