Nag-iisang anak na babae ni Edu Manzano na si Addie, manang-mana ang magandang lahi ng kanilang pamilya

Si Edu Manzano ang isa sa mga pinaka-gwapong leading man noong kanyang kapanahunan. Sa paglipas ng mga taon ay hindi lamang ito naging artista at host, ito rin ay pumasok sa mundo ng politika.

Image courtesy: Instagram/realedumanzano



Siya ay nabiyayaan ng tatlong mga anak na si Luis Manzano na anak nito sa dati nitong asawa at kapwa ring artista na si Vilma Santos, si Amanda “Addie” Danielle at Lorenzo “Enzo” Eduardo naman ay mga anak nito sa dating modelo na si Rina Samson. Kilala na ng halos lahat ang kanyang panganay na si Luis dahil aktibo ito sa showbiz ngunit nitong mga nakaraan ay napapansin na rin ng mga netizens ang kagandahan ng kanyang unica hija na si Addie, dahil sa taglay nitong natural na ganda at magandang pangangatawan.

Image Courtesy: Instagram/addie.manzano

Nasa edad 21 anyos na ang dalaga at graduate ito mula sa Ateneo de Manila. Mahigit 2 taon itong naka-base sa New York City sa may Estados Unidos nang ito ay magdesisyon na tuluyan nang manirahan doon.

Image Courtesy: Instagram/addie.manzano
Image Courtesy: Instagram/addie.manzano



Tuwing may pagkakataon ay binibisita na lamang ito ni Edu doon upang makasama siya nito kahit paminsan-minsan.

Mapapansin naman sa kanyang mga posts sa social media na mahilig ito sa nature at madalas rin itong mag-travel kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Image Courtesy: Instagram/addie.manzano
Image Courtesy: Instagram/addie.manzano

Minsan nang nag-modelo si Addie at naging parte pa nga ito ng campaign para sa whitening products noong taong 2014 habang ito ay nag-aaral pa lamang. Lumabas na rin siya dati sa telebisyon noong siya ay nag-host ng UAAP Upfront na ipinalabas sa ABS-CBN sports series.Proud na ama naman si Edu dahil sa batang edad nito ay independent na si Addie at kumikita na mismo ito.

Image Courtesy: Instagram/addie.manzano

Hanggang ngayon ay lumalabas pa rin sa telebisyon si Edu at Luis, kaya naman suportado ng pamilya si Addie sa Pilipinas kung ito man ay magdedesisyong bumalik sa bansa at pumasok sa industriya ng show business.

Image Courtesy: Instagram/addie.manzano

Subalit iyon lamang ay kung nanaisin ni Addie na sumunod sa mga yapak ng kanyang ama at kapatid. Maraming nakikitang potensyal ang mga tao sa magandang dalaga, ngunit sa ngayon ay mukhang masaya na ito sa buhay nito sa ibang bansa kasama ang nobyo nito at mga kaibigan, kaya malabo pa sa kasalukuyan ang posibilidad na ito ay uuwi rito at magtatrabaho sa harap ng camera. 

Image Courtesy: Instagram/addie.manzano
Image Courtesy: Instagram/addie.manzano
Image Courtesy: Instagram/addie.manzano

Tila nagmana ito ng magandang lahi sa kaniyang Ama kaya naman hindi maitatago sa publiko kung gaano ito kaganda at may potensyal na maging isang aktres.

Sa ngayon, kasalukuyang naninirahan si Addie sa New York tatlong taon na ang nakakalipas at paminsan minsan ay bumibisita rin ito sa Pilipinas para magbakasyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *