Walang kupas na kagandahan ang napapanatili ng Orihinal na aktres ng teleseryeng Marimar na si Thalia

Marami man nalulong ngayon sa mga Korean Drama series subalit sino ang makakalimot sa mga Mexican Telenovela na ating minahal bago ang K-drama. Maraming Filipino ang sumaybay sa mga Mexican Telenovela lalo na sa mga kwentong pag-ibig.

Image courtesy: Thalia/Instagram



Isa na dito ang kwento ni Marimar na pinagbidahan ni Thalia. Marami sa ating mga kababayan ang lubos na paghanga at pagmamahal kay Thalia sa kanyang pagganap bilang Marimar. Kung saan ay ginawan pa nga ng Philippine bersyon ang Mexican telenovela na ito na pinagbidahan ng mga sikat ng aktres na sina Marian River at Megan Young. Kamusta na nga ba ang orihinal na Marimar na si Thalia?

Image courtesy: Thalia/Instagram

Si Marimar o kilalang bilang Thalia ay si Ariadna Thalia Sodi Miranda Mottola sa totoong buhay. Siya ay 48 taong gulang. Isa siyang singer, songwriter, producer, actress and entrepreneur. Kilala din siya bilang isa sa mga success and influential Mexican artists sa buong mundo. Kaya niyang kumanta sa English, French, Portuguesse and Filipino bukod sa kanyang native Spanish.

Image courtesy: Thalia/Instagram



Si Thalia ay kinilala din bilang “Queen of Latin Pop” ng international media dahil sa kanyang kontribusyon sa tatlong dekada sa Latin pop music. Nakakamangha na nakabenta sya ng 25 milyon records sa buong mundo. Maraming din sya natamong parangal bilang aktres at singer.

Alam niyo ba na kahit si Thalia ay 48 anyos na ay wala pa ding kupas ang kanyang kagandahan at ganda na ng hubog ng katawan. Maliban sa kanyang karakter na si Marimar, sino nga ba ang nakalimot sa kanyang mga karakter bilang Maria Mercedes, Maria la del Barrio, Rosalinda. Quinceaño at marami pang iba.

Image courtesy: Thalia/Instagram

Noong December 2000, si Thalia ay ikinasal sa isang music executive na si Tommy Mottola. Sila ay mayroong dalawang anak na sina Sabrina Sakaë Mottola Sodi, 12 at si Matthew Alejandro Mottola SOdi, 8. Si Thalia ay masaya sa kanyang kabiyak sa loob ng dalawang dekada at lalo pang pinagtitibay ng panahon ang kanilang pagsasama.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *