Ibinahagi ni Toni Gonzaga ang kanyang mga napagtanto sa buhay habang nadaragdagan ang kanyang edad

Ang pagiging pamilyadong tao ay mayroong napakalaking pagbabago sa kanyang buhay dahil kaakibat nito ay isang napakalaking responsibilidad na kung saan kinakailangan punan ang mga pangangailangan ng nabuo mong pamilya.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram



Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Ibinahagi ng aktres/tv host/singer na si Toni Gonzaga ang kanyang personal na reyalesasyon. Ibinahagi niya ito sabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-36 na kaarawan noong Lunes, Enero 20. Aniya na binibigyan niya ng pagpapahalaga ang kanyang sarili habang siya ay tumatanda.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Ibinahagi din ng aktres sa kanyang mga fans na habang ang iba ay nalulungkot sa pagdagdag ng kanilang edad, siya naman ay nagpapasalamat sa lahat ng kanyang pinagdaanan at natamong tagumpay. Isang litrato kasama ang kanyang anak na si Seve at asawang si Direk Paul Soriano naman ang kanya ibinahagi sa isang social media na nakalagay “I was so in love with who I was, they were not merely as good as I am now”.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram



Ayon pa sa aktres na mahal niya ang kanyang sarili kung sino pa man siya noon at mas lalo kung sino siya ngayon. Kanya ding binigyang pasasalamat ang lahat ng natutunan niya sa kanyang buhay. Pinarating din ni Toni G. ang kanyang pasasalamat sa mga nakaalala ng kanyang kaarawan at sa Diyos na binigyan siya ng isa pang taon para mas mahalin pa ang kanyang sarili.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Samantalang ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga na isang tv host/singer/aktres ay binati siya sa kanyang Instagram “Happy Birthday Ate!!!! I can’t wait to talk you about wifey duties because you are a good one!!” pabirong dagdag pa ni Alex “I love you but not as much as [I] love Seve and Mikee jk!

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram
Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Masayang pinagdiwang ng Gonzaga at ng kanyang pamilya ang kaarawan ni Toni sa Singapore. Tunay nga na ang buhay ngayon ni Toni Gonzaga ay maituturing nang nasa isang matagumpay na estado ng pamumuhay dahil wala na siyang maihihiling pa dahil bukod sa pagkakaroon niya ng matagumpay na karera ay mayroon na din siya ngayong buo na pamilya kasama ang kanyang baby at asawa na si Paul.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *