Ito ang pinagkakaabahalan nina Pia Wurtzbach at Pauleen Luna na bagong Shop na ibinahagi nila sa publiko

Patok na patok ngayon sa panlasa ng mga Pinoy ang inuming milk tea dahil isa ito sa pinakasikat na inumin sa mga kabataan.  Sa katunayan, kahit hindi millennials ay nahihikayat na bumili nito at tikman ito.

Kaya naman, hindi nakakapagtakang mapabilang ito sa mga pangunahing listahan ng negosyo na itinatayo ng mga kababayan nating negosyante. Maging mga artista at kilalang personalidad sa ating lipunan ay hindi rin nagpahuli sa trending na pagtatayo ng isang milk tea shop.

Image Courtesy: Instagram/Piawurtzbach



Isa na nga dito si Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Kasama ang kaniyang matalik na kaibigan bago pa man makilala sa showbusiness na sina Pauleen Luna at Niña Almoro na classmate ni Pia sa Culinary school, naisipan ng mga ito na itayo ang ganitong klase ng Milk Tea shop.

Image Courtesy: Instagram/Piawurtzbach

“This is it guys! My besties and I have been working hard and really looking forward to this—it’s finally the soft opening of Bestea…”, pagbabahagi ni Pia sa kaniyang Instagram account kung saan nag-post siya ng ilang larawan kasama ang mga kaibigan.

Matagal nang gusto ni Pia ang ganitong uri ng negosyo at matapos nga ang ilang pag-aaral at pagpaplano na ginawa nilang magkakaibigan ay napili nilang buksan shop na ito sa Festival Mall na matatagpuan sa Taguig, City.

Image Courtesy: Instagram/Piawurtzbach



Samantala, ibinahagi rin ni Pia sa isa niyang Instagram post na hindi ganoon kadali ang pag-uumpisa ng isang negosyo. Ganoon pa man, naging matagumpay ang kanilang soft opening lalo na at hands-on sila dito simula pa noong una. Na-enjoy rin nila ang pagsasama-sama nilang magkakaibigan habang inaasikaso ang kanilang negosyo at marami silang natutunan dahil dito.

“Just a little #Throwback post to one site inspection over at Bestea in Festival Mall Alabang… It’s always a little nerve-wracking trying something new like opening a busiiness. But @ninaalmoro, @pauleenlunasotto and I were so excited and hands-on with this one. It’s really nice to see our menu boards up a few days before our soft opening…and to just have it all come together.”

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

Sa huli ay nag-iwan si Pia ng isang magandang mensahe sa mga netizens at sinabing huwag silang matakot sa pagsubok ng mga bagong bagay lalo na kung sa tingin nila ay para ito sa kanilang ikabubuti.

Image courtesy: Pauleen Luna/Instagram

“Hope this inspires you to try something new and to just go for it! We all learn new things along the way,” dagdag pa ni Pia.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *