Camille Prats, nagpapatayo ng Dream House para sa kaniyang pamilya habang isinasabay ang pagiging Hands on Mom

December 9, 2019 nang ibahagi ng dating child actress na si Camille Prats sa kanyang Instagram account ang litrato kasama ang kanyang pamilya sa harap ng construction site kung saan itinatayo ang kanilang dream house. Makikita sa litrato ang asawa nitong si VJ Yambao at ang kanilang tatlong anak na sina Nathan, Nala at Baby Nolan. June 2015 nang ma-engage sina Camille at VJ sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas at noong January 7, 2017 sila tuluyang ikinasal.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats



Tatlong taon na ngayong nagsasama ang mag-asawa at nais nila na lumaki ang kanilang mga anak sa tahanan na kanilang binubuo ngayon.

Si VJ ay pangalawang asawa na ni Camille dahil ang una nitong asawa na si Anthony Linsangan ay maagang pumanaw. Nagkaroon ng isang anak ang mga ito at iyon ang panganay ni Camille na si Nathaniel “Nathan” Caesar Linsangan. Si VJ naman ay may isa ring anak na nagngangalang Ice sa dati nitong nakarelasyon.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Sa kasalukuyan ay apat na ang kabuoang bilang ng kanilang mga anak dahil nasundan ang nauna nilang mga anak ng dalawa pa, ito ay ang dalawang taong gulang na si Nala Camilla at ang bunsong si Baby Nolan na ipinanganak noong July 10 ng nakaraang taon.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats



Nabigyan naman nila ng sapat na atensyon ang kani kanilang mga anak dahil matagal bago dumating sakanila si Baby Nolan. Kaya naman ng ipinanganak na ito ay nagdesisyon na rin sila na magtayo ng kanilang sariling bahay upang doon nila sisimulan ang kanilang masayang pamilya kasama ang apat na anak.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats
Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Balik showbiz muli si Camille matapos nitong maipanganak ang kanyang bunso at sa kasalukuyan ay host ito ng “Mars Pa More” sa kapuso network kasama ang kapwa mommy nito na si Iya Villania.

Maliban roon ay abala rin ito bilang school administrator ng Montessori Divine Angels na pagmamay-ari ng kanyang pamilya sa may Cainta.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Ang lahat ng ito ay pinagsasabay-sabay nito pati na ang pagiging hands-on sa pagpapalaki sa kanilang mga anak, lalo na sa kanyang bunso sapagkat ito ang nangangailangan ng mas maiging pagbabantay dahil sa napakamurang edad nito.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats
Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Sana kapag natapos ang bahay ni Camille ay ibahagi niya ito sa publiko upang mas mainspire ang iba na nawalan ng mahal sa buhay na mayroong second chance na ibinibigay ang Panginoon at sila ay muling makakahanap ng inspirasyon at kasiyahan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *