Ganito ang istilo bilang ina ni Katrina Halili sa tuwing hindi nagkakasundo sila ng kaniyang pitong taong gulang na anak

Gaano man kamahal ng mga magulang at anak ang isa’t-isa ay hindi maiiwasan na minsan magkaroon ng hindi pagkakaunawaan o tampuhan. Gayunman, ito ay isang importanteng parte ng paglaki ng mga anak dahil dito sila natututo kung ano ang tama at mali. Ang mga magulang naman ay natututo ring makinig sa opinyon at side ng kanilang mga anak dahil sa mga pagkakataong ito.

Sa katunayan, maging ang aktres na si Katrina Halili ay madalas rin daw magkaroon ng away sa kaniyang anak na si Katie subalit ibinahagi niya kung paano niya ito hinahandle upang matuto ang kaniyang anak.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili



Taong 2014 noong naghiwalay ang dating magkasintahan na Katrina at Kris. Noong mga panahon na iyon ay 2 taong gulang pa lamang si Katie at mula noon ay solong itinataguyod na ni Katrina Halili ang kaniyang anak.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili

Maayos ang relasyon ni Katrina at Kris ayon sa singer at nailalabas niya ang kanilang anak paminsan-minsan. Nagpapadala rin umano ito ng suporta para sa bata kahit pa ito ay nasa poder ng ina nito. Sa ngayon ay 7 taong gulang na ito at sabi ng aktres, mayroon na rin silang mga eksena kung saan sila ay nag-aaway ng kaniyang anak.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili

Ibinahagi ni Katrina sa kanyang Instagram account kung paano sila minsang nagtalo ng kanyang anak. Nagsimula umano ito nang sirain ng anak ang kanyang damit, bagay na ikinagalit ni Katrina.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili

Hindi na niya gustong gumagamit ng dahas sa pagdi-disiplina kay Katie kaya imbes na paluin niya ito ay umakyat na lamang siya para makalayo mula rito upang kumalma.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili



Naiyak ang aktres sa itaas at kinunan niya ng litrato ang sarili. Hindi nagtagal ay umakyat rin ang bata at nanghingi ng paumanhin sa nagawang kapilyahan. Hindi na natiis ni Katrina ang anak kaya agad niya itong napatawad dala na rin ng pagmamahal niya para rito.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili

Ayon sa kaniyang post, imbes na pagalitan niya ito ay pinilit niya munang lumayo upang hindi niya masaktan ang kaniyang anak at hindi masabihan ng masasamang salita.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili

“Sorry natawa lang ako sa itsura namin dalawa dito, siyempre hindi lagi sweet kami, minsan nag aaway kami ni Katiemylabs, ayan winasak nya yun damit niya, tapos ako umiiyak sa taas, kasi ayoko na siya saktan, naiyak nalang ako sa taas, kinunan ko yun sarili ko, maya maya umakyat na siya nag sorry.”

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili

Maayos nagtapos ang kanilang tampuhan matapos lamang ang sandaling panahon, ngunit ang importante roon ay natutong umamin sa pagkakamali ang bata at nanghingi ito ng sorry mula sa ina.

Para kay Katrina, mas gugustuhin niyang kumalma muna kaysa pagalitan o pagsabihan agad ang anak dahil posible pa itong makapagsalita ng masama kung hindi muna siya huminga at pinalipas ito ng ilang minuto.

Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili
Image Courtesy: Instagram/Katrina_Halili

Ang mga bata ay patuloy na lumalaki at nakasalalay sa mga magulang ang karakter ng kanilang mga anak dahil magdedepende ito sa kung paano sila pinalaki, kaya mahalaga na habang maaga ay alam na nila ang mga dapat at hindi nila dapat gawin. 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *