Kilalanin ang anak na babae ni Ruffa Gutierrez na isa na ngayong ganap na dalaga

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez kilala bilang Ruffa Gutierrez ay isang aktres, host, modelo and beauty queen. Kinilala din siya bilang 1992 Look for the Year-Philippines at kinoronahan bilang “Miss World 1993 second runner up”.

Image courtesy: Lorin Gutierrez/Instagram

Bago pa man siya maging isang beauty queen ay nagsimula na ito maging aktres noon 1980s. Naging parte din siya ng “German Moreno’s That’s Entertainment” noong 1990s. Naging host naman siya noon sa “The Buzz” isang television talk show na mapapanood tuwing Linggo at noong taong 2010 ay naging host din siya sa isa pang talk show na “Paparazzi” sa kapatid network.



Image courtesy: Lorin Gutierrez/Instagram

Si Ruffa ay nag iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez, isang aktor at talent manager na si Annabelle Rama. Siya ay may mga kapatid na lalaki na sina Elvis, Rocky, Ritchie Paul, Raymond at Richard. Maliban pa rito ay meron din siyang kapatid sa ama na sina Tonton Gutierrez at Ramon Christopher.

Image courtesy: Lorin Gutierrez/Instagram
Image courtesy: Lorin Gutierrez/Instagram

Noong 2003, si Ruffa ay nagpakasal sa isang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. Pinagkalooban sila ng dalawang babaeng anak na sina Lorin Gabriella and Venezia Loran. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama ng Turkish businessman at kanilang inanunsyo ang kanilang hiwalayan noong May 8, 2007.

Image courtesy: Lorin Gutierrez/Instagram




Nakaraan lamang ay naging usap-usapan ng mga netizens si Lorin, panganay na anak ni Ruffa sa kanyang litrato. Marami ang nabighani sa gandang pang beauty queen na taglay ng Filipina-Turkish na si Lorin. Pinanganak si Lorin noong August 3, 2003.

Image courtesy: Lorin Gutierrez/Instagram

Naging parte din si Lorin sa isang cheering squad sa kanilang paaralan at naging bida din siya sa isang 1945 British romantic drama film “Brief Encounter” na ginanap din sa kanilang paaralan. Pinag usapan din ng mga netizens ang litrato na ibinahagi ng dalaga sa kanyang social media at nilagyan ng caption “Do you got plans tonight?”, kung saan siya ay nakasuot na red swimwear.

Image courtesy: Lorin Gutierrez/Instagram

Makikita ang pagka eleganteng mukha ng dalaga. Tunay ngang lumaking magandang dalaga ang panganay na anak ni Ruffa at sa mga susunod na taon, maaring sumunod din siya sa yapak ng kanyang ina bilang beauty queen or artista.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *