Sharon Cuneta, Ibinahagi ang mga hindi magandang karanasan sa kanyang buhay ngayong kakapasok pa lang ng bagong taon

Hindi naging maganda ang pasok ng taong 2020 kay Sharon Cuneta dahil sa sunod-sunod na mga hindi magandang mga kaganapan na nangyari rito sa unang buwan pa lamang ng taon. Sa kanyang Instagram account ay madalas magkwento ang Megastar tungkol sa mga nangyayari rito sa araw-araw at isa na sa mga naibahagi nito ay ang kaniyang iritasyon sa kanyang mata at ang aksldent3ng nangyari sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Special guest si Sharon sa two-night farewell “Hopeless Romantic” concert ng batikang singer-composer na si Odette Quesada na ginanap noong January 17 at 18. Si Odette ang nasa likod ng mga OPM classic hits na “Till I Met You”, “Give Me A Chance”, at marami  pang iba. Ito rin ang nagsulat ng “To Love Again” na kinanta at pinasikat mismo ni Sharon Cuneta kaya naman isa ito sa mga espesyal na panauhin sa nasabing concert.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Naging successful ang concert nito kasama si Sharon ngunit bago pala iyon ay na@ksid3nte ang Megastar sa kanilang banyo habang naghahanda ito para sa gabing iyon.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Ayon mismo rito, magsisimula pa lamang siya maligo at pagtapak niya sa shower ay biglang nadulas ito sa banyo. Hindi pa raw ito nakakapagsabon pero sa palagay nito ay yung mga natirang residue ng sabon ang nagpadulas ng sahig.

Tumama ang likod ng ulo ni Sharon sa kanto ng marmol kung saan nakapatong ang kanilang mga ginagamit sa panligo. Napasigaw umano ito ng “Daddy!” at sa kabutihang palad ay nasa kwarto lamang ang asawa nitong si Kiko Pangilinan at agad siyang sinaklolohan nang marinig nito ang kanyang sigaw.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Naabutan siya nito sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang ulo. Nais na sana siyang isugod agad sa ospital ngunit nanindigan si Sharon na pupunta muna ito sa show ni Odette. Kasabay ng taimtim na dasal ay nagawa nito ang parte nito sa concert nang maayos at walang aberya habang may medic team na nakabantay sakaniya sa buong concert.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Agad silang nagpunta sa St. Luke’s Medical Center sa may BGC upang ipa-CT scan ang kanyang ulo pagkatapos na pagkatapos ng kanyang set sa show para malaman kung may natamo siyang pinsala.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Ayon sa resulata, nagkaroon ito ng Top layer fracture sa ulo ngunit ito ay gumagaling nang kusa kaya hindi na nito kakailanganin pa ng operasyon,.

Gayunpaman ay patuloy pa rin itong binabantayan upang makasiguro na wala nang mas seryosong nangyari sa singer.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Nakakaranas ng matinding pananakit ng ulo si Sharon at nakakaramdam rin ito ng pagkahilo, ngunit sa ngayon ay mas maayos na ang lagay nito.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Palagay ni Sharon ay pagpasok pa lamang ng 2020 ay inaatake na raw siya ng mga hindi magandang elemento dahil sa pagkakasunod-sunod na hindi magandang pangyayari sa kanyang buhay. Nanghihingi ng dasal si Ate Shawie sa kanyang mga tagasuporta para sa tuloy-tuloy na paggaling nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *