Ito ang nakakatuwa na eksena sa pagitan ng mag-amang Dingdong at Zia Dantes na ibinahagi ni Dra. Vicki Belo

Ginawang daan ni doktora Vicki Belo ang social media upang ipakita ang nakakatuwa at nakakapangigil na video ni Dingdong Dantes at ng kanyang panganay na si Zia Dantes.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Dingdong Dantes, dating magaling na dancer na nakitaan ng potensyal sa pag aartista dahil sa maamo nitong mukha. Hindi pinalagpas ni Dingdong ang pagkakataon, ginawa niya lahat ng kanyang makakaya at nagtrabaho ng mabuti.

Nagtuloy tuloy na nga ang karera ni Dingdong sa showbusiness at mabilis na sumikat dahil sa galing nito sa pag-arte. Madalas siyang pangarapin ng mga bagong leading lady na makatambal sa isang proyekto.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Nang magkaroon ng remake ang kapuso network ng isang sikat noong telenovela na Marimar ay si Dingdong ang napiling gumanap bilang Sergio at daan-daan naman ang nag audition upang maging si Marimar.

At hindi nagtagal ay napili si Marian Rivera bilang Marimar. Napaindak ang mga manonood sa galing ni Marimar sumayaw samahan pa ng kakisigan ni Sergio. Pumatok ang remake na ito at binansagan na ang tambalan ni Dingdong at Marian na DongYan.

Sa teleseryeng Marimar sila nagkakilala at nagkapalagayan ng loob. Dahil sa tagumpay ng teleserye ay pinagtambal ulit sila sa ilang mga proyekto at dito na nga sila nahulog sa isat isa.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Sila ay naging magkasintahan ng ilang taon, hanggang sa napag isipan nilang magpakasal at bumuo na ng pamilya. Inabangan ng buong Pilipinas ang pagbubuntis ni Marian at ng nanganak na nga ito ay lumabas ang isang anghel, napakagandang batang babae. Ito ay ang kanilang panganay na si Zia.

Ibinahagi ni Doktora Vicky Belo ang isang video kung saan mapapanood si Dong na matiyagang iniintindi ang ibinubulong sa kanya ng anak niya na si Zia.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Halo-halong emosyon ang makikita mo sa video gaya ng kasiyahan, kacutean ng mag-ama, at pinapakita rin na dapat parating interesado ang mga magulang sa sinasabi ng kanilang mga anak.

Ito ay hinangaan ng mga fans ni Dong at naging trending sa ibat-ibang social media sites. Ayon kay Doktora Vicky ay ngayon niya lang nakitang ganun kasaya si Dingdong sa loob ng halos 18 taon na sila’y magkakilala. Isa siyang magaling na aktor, mabuting tao at dakilang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *