Ipinasilip ni Rocco Nacino ang panlabas na hitsura ng kanyang bagong tayo na Dream House

Isang masipag na aktor at modelo, iyan lamang ang mga katangian ng sikat na artista na si Rocco Nacino. Marami ang humahanga kay Rocco dahil sa kanyang kakisigan at pinoy na pinoy ang kanyang datingan. May magandang pangangatawan na kuha niya sa pagboboxing at Muay Tai Training.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram



Si Rocco ay isa ring registered nurse bago pa man ito pumasok ng showbusiness na isa siguro sa dahilan kung bakit maingat siya pagdating sa kanyang kalusugan.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram

Nakilala siya nang manalo bilang Second Prince noong Fifth season ng Starstruck, isang reality show na naghahanap ng mga bagong artista. Isa si Rocco sa mga naging matagumpay sa ikalimang season ng Startruck na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram



Dahil sa husay ng aktor at sipag sa pagtatrabaho ay malapit na siyang lumipat sa kanyang bagong gawang bahay sa Antipolo. Ayon sa Aktor ay pwede na siyang lumipat sa bahay pagkatapos ng landscaping at installation ng mga cctv cameras.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram

Ang kumalat na litrato ay nagpapakita na hindi lang malaki ang kanyang bahay ngunit ito ay may makabagong disenyo at lalaking lalaki ang dating nito. Wala talagang imposible basta may pangarap sa buhay, lalo na kung lalakipan ito ng sipag at panalangin sa maykapal.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram

Noon ay pinapangarap palang niya na magkaroon ng bahay kaya hindi siya makapaniwala na naisasakatuparan na ito ngayon. Nagpost si Rocco sa Instagram ng “Electric fence and cctv nalang, pwede nang lumipat! Haha konting kayod pa para sa mga gamit sa loob. Sana makalipat na ako ngayong taon!”

Sabik na si Rocco na lumipat sa kanyang bagong bahay dahil matagal niya na itong pinag-iipunan. Gusto niya rin ang lokasyon ng bahay kung saan hindi masyadong malapit sa ingay ng siyudad at siguradong makakapagpahinga siya ng mabuti pagkatapos ng isang nakakapagod na araw bilang artista.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram

Si Rocco nacino ay 32-year old Kapuso star at ngayon ay kasama sa Philippine Adaptation ng isang sikat na Koreanovela ang Descendants of the Sun.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *