Simple at eksklusibong paraan ng kasal ang pinili ng magkasintahan na sina Megan Young at Mikael Daez

Sa panahon ngayon kung saan kabi-kabila ang mga magagarang selebrasyon mapa-birthday man, kasal o binyag, ika nga nila isang “breath of fresh air” ang kasalang Megan Young at Mikael Daez. Si Megan ay isang Beauty Queen at si Mikael naman ay isang aktor kaya ikinagulat ng marami nang mag-post ang mga ito sa kani-kanilang Instagram accounts na sila pala ay ikinasal na sa isang simpleng selebrasyon lamang.

Image Courtesy: Instagram/Mikaeldaez



Dahil parehong nasa industriya ng showbusiness, nakakamanghang isipin na mas pinili nila na maging pribado ang kanilang pag-iisang dibdib lalo pa at usong-uso sa mga artista ang magkaroon ng mga malalaking kasalan na dinadaluhan ng hanggang 500 bisita at kadalasan ay covered pa ito ng media.

Image Courtesy: Instagram/Meganbata

Ito ay ilang araw lamang matapos nilang magdiwang ng kanilang ika-9 na anibersaryo noong January 6, araw ng kaarawan rin mismo ni Mikael.

Ayon sa bagong kasal, napagdesisyunan nilang magpakasal sa harap ng pari na pinili mismo ni Megan na tingin nito ay siyang nakakaalam ng tunay na kwento ng kanilang pag-iibigan.

Image Courtesy: Instagram/Mikaeldaez

Naganap ito sa isang pribadong seremonya sa may Calaruega. Para sa mga ito ay “moment” nila iyon kaya hindi nila ninais na may media na nakasunod at nakabantay sa bawat kilos nila sa isa sa pinakamahalagang araw ng kanilang buhay.

Image Courtesy: Instagram/Meganbata

Makikita sa social media accounts ng dalawa ang kanilang mga litrato sa mga nakalipas na taon ngunit kilala na sila bilang mga pribadong tao, halimbawa ay ilang taon na palang magkasintahan ang mga ito bago pa malaman ng kanilang mga fans na sila pala ay may relasyon. Marami rin ang nag-iisip na sila ay nagpakasal na nang palihim sa ilan sa mga trips nila ngunit iilan lamang ang tunay na nakaalam na sila ay engaged na pala mula pa noong taong 2014.

Sa kanilang mga litrato, napakasimple ng wedding gown ni Megan kung saan wala itong mga beadwork o shiny designs, basta lamang ito simpleng wedding white dress na nagkakahalaga lamang ng 4,000 pesos.

Image Courtesy: Instagram/Meganbata



Image Courtesy: Instagram/Mikaeldaez

Imbes na tradisyonal bouquet ang kaniyang bridal flower, pinili nito na simplehan lamang at wreath design lamang ito.

Image Courtesy: Instagram/Labellefete
Image Courtesy: Instagram/Labellefete
Image Courtesy: Instagram/Meganbata

Samantala, ang kanilang wedding reception ay ginanap sa isang ranch sa subic. Napaka simple lamang din dahil nakasuot lamang ng rubber shoes si Megan at chill vibes lamang ang kanilang tema.

Image Courtesy: Instagram/Meganbata

Kakaunti lamang ang mga bulaklak kung saan nakalagay lamang ang mga ito sa center table ng mga bisita at mayroon lamang mga fairy lights at nice table setting kung saan napakasimple lamang kung titignan pero elegante.

Image Courtesy: Instagram/Labellefete

Sa mundong ginagalawan ni Megan at Mikael kung saan ang kasikatan at karangyaan ay malaking bagay, nakakatuwang isipin na hindi nila naramdaman kailanman na kailangan nilang ilantad sa publiko ang lahat ng bagay tungkol sa kanila para lamang makuha ang pabor ng mga tao, bagkus ay pinili pa nilang gawing mas intimate ang kanilang buhay pag-ibig sa pagiging pribado at pagkakaroon ng isang napakasimpleng kasal.

Image Courtesy: Instagram/Meganbata

Sila ang tunay na #RelationshipGoals!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *