Ibinahagi ni Piolo Pascual ang kaniyang Rest House sa Batangas na mayroong napakagandang tanawin

Ang isa sa pinakasikat na leading man sa ating bansa na si Piolo Pascual ay nagdiwang na ng ika-43 na taon ng kaniyang buhay. Kasama ang kanyang pamilya noong January 12, sabado ng gabi, ay nagkaroon ng munting kasiyahan para sa kanyang kaarawan na ginanap sa kanyang malawak na rest house sa may probinsya ng Batangas.

Image Courtesy: Instagram/Piolo_Pascual



Bilang handog sa kanyang mga fans at taga-suporta ay ipinasilip nito ang kanyang rest house sa sarili nitong Youtube channel.

Image Courtesy: Youtube/PhEntertainment

Nakatayo ang magarang bahay bakasyunan nito sa gitna ng kagubatan at makikita mula rito ang magandang view ng dagat. Puti ang dominanteng kulay ng istraktura kaya naman madali itong makikita kahit sa malayuan kung hindi lamang ito tago at malayo sa ibang mga bahay.

Image Courtesy: Youtube/PhEntertainment
Image Courtesy: Youtube/InigoPascual

Ang nasabing video ay umabot ng 3 minuto at ang pinaka-highlight doon ay ang fireworks display na masayang pinanood ng aktor at ng kanyang mga mahal sa buhay. Makikita rin sa video ang isang clip kung saan kinakantahan siya ng kanyang pamilya ng awitin na “Happy Birthday” bago nito inihipan ang nakasinding kandila sa ibabaw ng birthday cake nito.

Image Courtesy: Instagram/Piolo_Pascual



Image Courtesy: Youtube/PhEntertainment

Bago ang tour na ito ay nauna nang nagpost ang aktor ng litrato noong kaarawan nito kung saan ito ay nasa ibabaw ng isang yate habang nagbababad sa ilalim ng araw.

Image Courtesy: Instagram/Piolo_Pascual
Image Courtesy: Youtube/PhEntertainment
Image Courtesy: Instagram/Piolo_Pascual

Ang nakatawag pansin sa nasabing litrato ay ang background nito kung saan makikita ang pagbuga ng maitim at makapal na usok ng bulkang Taal.

Image Courtesy: Instagram/Piolo_Pascual
Image Courtesy:Youtube/PhEntertainment

Ayon sa Facebook account nito ay kuha ang larawan sa may Mabini, Batangas, mga 50 kilometro ang layo mula sa mismong bulkan at malamang ay malapit lamang ang lugar na iyon kung saan nakatayo ang rest house nito na mismong ipinakita nito sa video.

Talagang saktong-sakto ang naging pagsabog ng bulkan para sa kanyang kaarawan at sabi ng aktor, ang tanging hiling nito ay ang maging ligtas ang lahat mula sa nangyaring kalamidad. 

Image Courtesy:Youtube/InigoPascual

Ang rest house na ito sa Batangas ay isa lamang sa mga ari-arian ni Piolo na nabili nito sa paglipas ng mga taon habang patuloy itong nagtatrabaho sa harap ng camera. Masasabing ang lahat ng mga ito ay katas ng kanyang pagsusumikap at kasipagan sa trabaho nito bilang isang aktor at mang-aawit.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *