Mayroong Sweet Message sa Isa’t-isa ang magkaibigang sina Joshua Garcia at Janella Salvador

Bagamat natapos man ang palabas sa primetime TV na pinagbidahan ng dalawang artistang ito ay hindi pa rin maiwasang maging emosyonal ang mga cast nito. Isa na dito si Joshua Garcia kung saan kanyang ibinahagi ang litrato na kasama ang kanyang leading lady na si Janella Salvador na may caption na “I am lucky to have a friend like you”.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram & Joshua Garcia



Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon at sinasabing bagay sila ni Janella. Kahit ang aktres na si Maja Salvador ay tinutukso din si Joshua kay Janella.

Lalo pang kinilig ang mga netizens nang nagbahagi din ang aktres na si Janella sa kanyang Instagram ng litrato nila ni Joshua bilang Elias at Emma na kung saan na nagpapakita ang kanilang sweet moment.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram

Sa kaniyang Instagram post na may caption “Thank you for being such a wonderful leading man. You are absolutely talented and deserve all the recognition and praises you are receiving.

Image courtesy: Janella Salvador/Instagram



Dagdag pa ng aktres na “I’m glad I found a friend in you—one that is so much like me. Keep shining. P.S. thank you for feeding me all the time.”

Kaya maraming netizens ang natutuwa at kinikilig sa kanilang dalawa. Maaalalang naging close si Janella at Julia Baretto samantalang si Joshua naman ay dating kasintahan ni Julia. Ngunit bago matapos ang TKB ay marami ding netizens ang nakapuna na inunfollow ni Julia sila Joshua at Janella sa Instagram.

Image courtesy: Joshua Garcia/Instagram

Tunay nga na mayroong mga bagay na kinakailangan nang bitawan at limutin na mga masalimuot na nakaraan. Sa mundo ng mga artista, marami ang hindi nagtatagumpay ang relasyon sa kadahilanan na rin na napakaraming tukso ang maaaring dumating sa kanila samahan pa ng mga tipikal na problema sa buhay.

Image courtesy: Joshua Garcia/Instagram

Tunay nga na maraming sorpresa ang buhay at napakarami ring biyaya ang mga hindi mo inaakala na darating sa iyo, na ang tanging kailangan mo lamang ay manatiling magtiwala.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *