Siya si Jaron, ang lalaking nakabihag sa puso ni Wonderwoman o Gal Gadot sa tunay na buhay

Sino nga ba si Wonderwoman sa tunay na buhay? Si Gal Gadot kilala bilang si Wonderwoman na nakapukaw sa mata ng nakakarami dahil sa kanyang tanging ganda at galing sa pag arte. Ang isa pang nakakatuwang rebelasyon, si Gal Gadot ay isang superwoman sa kanyang asawa at mga anak.

Image courtesy: Jaron Varsano/Instagram



Sinong mag-aakala na si Wonderwoman ay makakakita ng tunay na pag-ibig sa katauhan ni Jaron Versano? Sino nga ba ang asawa ni Gal Gadot na si Jaron?

Si Jaron ay isang real estate developer at businessman. Siya ay lumaki sa Amsterdam at nag aral sa New York Institute of Technology. Pagkatapos ay nanirahan siya sa Tel Aviv-Yafo sa may Meditteranean Coast ng Israel.

Image courtesy: Jaron Varsano/Instagram

Si Jaron at ang kanyang kapatid na si Gay Versano ay nagtayo ng isang real estate company at ng isang magarbong hotel na kinalaunan ay binenta din noong 2015.

Ang pag-iibigan ni Jaron at Gal ay nagsimula pa noong 2006. Nagkakilala sila sa Israeli desert party. Sa kanilang pangalawang date ay nagdesisyon na ang dalawa na pumasok na sa isang seryosong relasyon at nangako sila na magiging matapat sa isa’t isa.

Bagamat mabilis man ang lahat para sila ay pumasok sa isang relasyon, marami ang nagsasabi na sila ay talagang itinadhana para sa isa’t isa. Hindi nagtagal ay nagpakasal si Jaron at Gal noong September 28, 2008.

Image courtesy: Jaron Varsano/Instagram

Sinabi ni Gal na hindi niya makakalimutan kung paano nagpropose si Jaron sa kanya ngunit pinili niya na ikwento ang buong detalye. Ibinahagi din niya na hindi niya makakalimutan ang unang beses na suot niya ang kanyang wedding ring.

Kahit pa sila busy sa kani-kanilang career ay tiniyak nila na iintidihin at susuportahan ang isa’t isa. Pagkatapos ng shoot ni Gal sa pelikulang Fast and Furious 4, kinailangan pang mag stay ang mag asawa sa hotel at magtravel ng balikan sa Israel at United States.

Image courtesy: Jaron Varsano/Instagram



Noong 2011 ay binigyan sila ng isang magandang anak na babae na si Alma. Noong 2018, habang ginagampanan niya ang role bilang Wonderwoman ay may isang wonder child sa kanyang sinapupunan. Ang pangalan ng kanyang bunsong anak na babae ay si Maya na ngayon ay 2 taon na.

Isang litrato ang ibinahagi ni Vin Diesel dating co-star ni Gal sa Fast and Furious, kung saan sila ay magkasama na para bang sila ay mag asawa na dala ang kani-kaniyang mga anak.

Image courtesy: Jaron Varsano/Instagram

Makikita na sanggol pa lamang doon si Maya. Inilinaw ng dalawa na sila ay matalik na magkaibigan at masaya sa kanilang pamilya. Ito ay kanilang bonding bilang magulang ng kani-kaniyang pamilya.

Habang tumatagal ay lalo pang pinagtitibay ng panahon ang pagmamahalan ng dalawa. Ang pag-iibigan ni Jaron at Gal ay isang patunay na hindi basehan ang tagal ng relasyon.

Image courtesy: Jaron Varsano/Instagram

Kapag nakita mo na ang taong nakatadhana sa iyo ay huwag mo na pakawalan. Ano pa nga ba ang hihingin ng isang Wonderwoman, kung siya ay may wonderlife kapiling ang kanyang asawa at dalawang anak.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *