Meet Callie Ahmee, ang anak ni Dimples Romana na nagmimithing maging isang Beauty Queen at Piloto Balang Araw

Kinagigiliwan ngayon ng mga netizens ang umuusbong na ganda ng panganay na anak ng aktres na si Dimples Romana. Siya ay walang iba kundi si Callie Ahmee at kuhang-kuha nito ang hugis ng mga mata ng kaniyang ina.

Image Courtesy:Instagram/dimplesromana



Image Courtesy: Instagram/CallieAhmee

Balingkinitan rin ang kaniyang pangangatawan at kayumanggi ang kulay kagaya ng isang pangkaraniwang Pilipina. Kinahihiligan niya ang film photography at mayroon ding pagkakataon na tinuturuan siya ng kaniyang ama kung papaano humawak ng baril kapag sumasama siya sa firing range.

Image Courtesy:Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/CallieAhmee

Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Callie bilang Senior High School student sa ilalim ng strand na STEM. Ayon sa kaniyang ina ay paborito nito ang subject na Chemistry at sa katunayan ay plano niyang kumuha ng kursong Biochem sa kolehiyo.

Maliban dito ay gusto rin ng dalaga na maging isang piloto kaya naman matapos ang kaniyang pag-aaral ng senior high dito sa Pilipinas ay lilipad na siya patungong Australia para doon mag-aral ng Aviation. Wala naman itong kaso kay Dimples at kahit na paniguradong mamimiss niya ang anak ay suportado niya ang mga pangarap nito.

“Si Callie po kasi will be off to college next year, for aviation in Australia. And because she will be leaving, you can imagine—Grade 12 po siya ngayong June, pagka-after no’n next year, didiretso siya ng Australia for the next three or four years para mag-piloto po,” pahayag ni Dimples sa press.

Image Courtesy:Instagram/dimplesromana



Isa pa sa mga gustong gawin ni Callie ay ang masubukang sumabak sa mga pageant upang matupad ang pangarap na maging beauty queen kagaya ng mga idolo niya na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Image Courtesy:Instagram/dimplesromana
Image Courtesy:Instagram/dimplesromana

Bilang number 1 fan ng anak ay kinausap na nga ni Dimples ang mga kilala niyang tao sa nasabing industriya para sa mga preparasyon na gagawin ni Callie sakaling buo na ang loob nitong ipagpatuloy ang kaniyang pangarap na maging isang beauty queen.

Image Courtesy:Instagram/dimplesromana
Image Courtesy:Instagram/dimplesromana
Image Courtesy:Instagram/dimplesromana

“Actually, kinausap ko na sina Jonas (Gaffud), sabi ko, ‘Jonas, gustong mag-beauty queen ni Callie,’ so kung anong gusto. Ako naman, kita mo di siya nag-artista, kasi kung ako, kung ano ang gusto ng mga anak ko do’n tayo. Do’n tayo sa masaya sila,” dagdag pa ng aktres.

Image Courtesy:Instagram/dimplesromana

Walang duda na ‘beauty and brains’ ang anak na ito ni Dimples Romana kaya naman proud na proud siya sa mga narating at maari pang marating ng anak na si Callie Ahmee.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *