Beteranong Aktres na si Jackie Lou Blanco, mayroon pa ring magandang pangangatawan sa edad na 55

Si Jackie Lou Blanco ay isa sa mga batikang aktres sa industriya ng show business at sa murang edad na labing-walong taong gulang ay marami na siyang nagawang palabas at pelikula na talaga namang sinubaybayan ng kaniyang mga tagahanga.

Image Courtesy: Instagram/JackieLou.blanco



Ang angkin niyang talento, kagandahan at meztisang kutis ay nakaakit ng maraming lalaki ngunit ang tanging nagwagi sa kanila ay walang iba kundi ang kasalukuyan niyang asawa na si Ricky Davao, isang actor, television director at industrial engineer. Nagkaroon sila ng tatlong anak at ito ay sina Arabella, Rikki Mae at si Kenneth.

Image Courtesy: Instagram/JackieLou.blanco

Sa kasalukuyan ay huminto na si Jackie Lou sa kaniyang trabaho bilang artista at pinagtutuunan ng pansin ang kaniyang mga nakakahiligan sa buhay kagaya ng pagbabantay ng kaniyang apo na si Jacqueline sa anak na si Kenneth. Kapansin-pansin sa ilang larawan na kaniyang ibinahagi sa Instagram account kung ganano kaganda ang hubog ng kaniyang pangangatawan sa kabila ng edad na 55-taong gulang.

Image Courtesy: Instagram/JackieLou.blanco

Marami netizens nga ang napa-wow kay Jackie Lou at ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang magtanong kung papaano ito nagagawa ng dating aktres.

“The last time I wore a bikinI was 20 years ago when I joined Great Bodies. My tummy was never flat. I was a chubby child. It still isn’t and thats why I rarely wear one. Nacoconscious ako,” pagkukwento ni Jackie Lou.

Maliban sa healthy diet ay kumuha rin si Jackie Lou ng sariling trainor upang makamit ang hinahangad niyang hubog ng katawan dahil may pagkakataon na parang hindi tama ang kaniyang ginagawa kaya hindi siya pumapayat ayon sa gusto niya.

Image Courtesy: Instagram/JackieLou.blanco



“3 years ago I had a problem losing weight. I didnt know what I was doing wrong or if I was doing anything right. Was so frustrating.Then I met @pauquiza and little by little the weight came off and I started getting more toned,”dagdag pa ng dating aktres.

Image Courtesy: Instagram/JackieLou.blanco

Sa kaniyang edad sa kasalukuyan ay napagtanto niya na lahat ng bagay ay may pinagdadaanang proseso at hindi dapat minamadali upang maging maganda ang magiging resulta nito.

Image Courtesy: Instagram/JackieLou.blanco

“Still a long way to go but with the love and support of those I love,I know the journey will be worth it. So today I celebrate my struggles, my strengths,my weaknesess and my victories. I celebrate all the women out there, all shapes and sizes. Know you are not alone in your struggles. I celebrate YOU! I celebrate Life!, paalala niya sa kapwa kababaihan na nagsusumikap na ayusin ang kanilang sarili.

Image Courtesy: Instagram/JackieLou.blanco

Hindi mapagkakaila na hanggang ngayon ay young looking pa rin ang beteranang aktres na ito dahil na rin siguro sa kaniyang healthy lifestyle kung saan madalas itong mag diet at mag ehersisyo upang mapanatili ang kaniyang great body.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *