Hindi pinapakialaman ni Coney Reyes ang buhay pag-ibig ng kanyang anak na alkalde na si Vico Sotto

“Di ako tsismosa”, isang pahayag ni Coney Reyes at sinabi ring hindi siya nagtatanong sa lovelife ng kanyang anak na si Vico. Bilang ina ng isa sa mga sikat na mayor sa kapanahunan natin ngayon ay madalas na natatanong ang aktres kung may nililigawan o kasintahan na nga ba si Mayor Vico. Pero kinaklaro ng aktres na hindi na niya pinapakialaman ang ginagawa ng kanyang anak lalo na sa kanyang buhay pag ibig.

Image courtesy: Vico Sotto/Instagram



Kumpiyansa si Coney na ikukwento sa kanya ng kanyang anak kung meron man itong iniibig o nililigawan. Nang tinanong siya tungkol sa buhay pag ibig ni Mayor Vico ng kapuso network ay ito ang kanyang pahayag, “Hindi, kasi hindi ako tsismosa eh. Kasi alam ko kung meron talaga, sasabihin ng anak ko.”

Image courtesy: Vico Sotto/Instagram

Sinabi niya rin sa panayam ng Kapuso network na hindi niya na kailangan magtanong dahil kusa na itong sasabihin ng kanyang anak, at kapag wala siyang sinabi ay ibig sabihin nito ay wala siyang lovelife ngayon.

Image courtesy: Vico Sotto/Instagram



Ang mga katanungan ay nagsimula nang malink si Mayor Vico kay Gretchen Ho na isang sports anchor. Nakita silang magkasamang nanonood ng volleyball game noong nakalipas na SEA Games. Ipinahayag ni Coney na wala siyang inaalala sa pipiliin ng kanyang anak at naniniwala siya na gagabayan siya ng Panginoon upang mapili ang tamang tao para sa kanya.

Image courtesy: Vico Sotto/Instagram

“I’m not anxious about that. Because I know that God is preparing him and preparing somebody. So ang sinasabi ko lang, protect and preserve the person. Kailangan ‘yung gusto ni Lord para sa kaniya talaga at tsaka ‘yung swak talaga,” pahayag ng aktres.

Image courtesy: Vico Sotto/Instagram

Kamakailan lamang ay sinabi ni Mayor Vico na wala siyang oras para sa pagmamahal at mas pipiliin pang matulog nalang. Dagdag pa niya na, “Wala talagang time. ‘Pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog o magpahinga na lang.”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *