Nagiging emosyonal si Sandara Park sa tuwing kanyang maaalala ang pagkabuwag ng kanyang K-Pop group na 2ne1

Limang taon na ang nakakalipas ng mabuwag ang K-pop group na 2NE1. Kung iisipin ay matagal na panahon ito ngunit nasasaktan pa rin si Sandara Park kapag naalala niya ang mga masasayang sandali nang sila ay buo pa at lalo na noong sila ay nabuwag na.

Image courtesy: Sandara Park/Instagram



Ibinahagi ni Sandara sa isang Korean show na “Video Star” kung saan isa siyang co-host na isa sa pinakamadilim na parte ng kanyang buhay ay noong mabuwag ang kanyang grupo na 2NE1, umabot siya sa punto na hindi niya na alam ang gagawin at nawawalan na siya ng pag-asa na ipagpatuloy ang kanyang career.

Image courtesy: Sandara Park/Instagram

Ang kanilang grupo ay hawak ng YG Entertainment, at noong taong 2016 ay ipinaalam sa grupo na bubuwagin na ito. Ang balitang ito ay ikinagulat at ikinalungkot ng grupo. Ang 2NE1 ay binubuo ng apat na miyembro, ito ay sila Sandara, Park Bom, CL at Gong. Nang sila nga ay tuluyan ng nagkahiwalay ay pumirma ng kontrata si sandara at CL sa YG Entertainment bilang mga solo artists.

Image courtesy: Sandara Park/Instagram



Sa tatag ng kanilang samahan ay tinuring na nila na kapatid ang isat-isa. Kaya nang tuluyan na nga na magkahiwalay ang grupo ay para siyang nawalan ng mga tao na nagbibigay saya sa kanya.
Ibinahagi ni Sandara na noong mga panahon na buo pa ang 2NE1 ay umabot siya sa puntong nararamdaman niya na hindi na siya kailangan ng grupo, ito ay dahil sa galing ng mga kasama niya.

Image courtesy: Koreaboo

“When we were promoting, I thought that I wasn’t necessary in the group, because the members all had such amazing voices,” Sabi niya.

Image courtesy: Koreaboo

Dagdag pa ni Sandara, “After we disbanded, I wondered what I should do now. For about 2 to 3 years I had very negative thoughts and my self-confidence dropped a lot. People who used to contact me all the time stopped contacting me at all. I lived those 2 years in darkness,”

Image courtesy: Koreaboo

Nalampasan niya ang mga pagsubok at napatunayan niya na sa kabila nito ay may mabuting mga bagay na parating. Sa kanya ring naranasan ay nakilala niya kung sino talaga ang tunay niyang kaibigan at naging mas malakas pa siya at nadagadagan ang kanyang tiwala sa sarili, tunay nga na ang lahat ng bagay ay may dahilan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *