Sorpresa para sa lahat nang ibahagi ng mag-asawang Drew at Iya Arellano na magkakaroon na sila ng pangatlong baby

“Surprise! Surprise! Number three!” masayang ibinunyag ni Iya Arellano ang parating na biyaya sa kanilang pamilya. Ang pamilya Arellano ay magkakaroon na ng ikatlong anghel. Nakumpirma ang balita nang inilabas ng Arellanos’ vlog ang isang video noong January 31, 2020.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram



Isang buwan na ang nakakalipas ng surpresahin niya ang kanyang asawa na si Drew at ang buo nilang pamilya tungkol sa kanyang pagdadalang tao noong araw ng pasko, December 25, 2019.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Hindi man nila direktang sinabi na buntis si Iya ay mapapanood sa kanilang vlog na ito nga ay totoo, na magkakaroon ulit sila ng panibagong miyembro sa pamilya. Nakumpirma ang balita ng sa kalagitnaan ng vlog ay binigyan ni Iya ng isang maliit na card na naglalaman ng mensahe na mayroon na namang parating na biyaya sa kanila, si Iya ay nagdadalang tao.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram



Mababasa sa loob ng card na, “Love, ready for baby # 3? Merry Christmas!” at makikita rito ang isang sonogram na may petsang December 4, 2019. Hind makapaniwala si Drew at binasa niya pa ito ng malakas.

Habang ang lahat ay masaya at nasorpresa sa balitang ito, inihayag ni Iya na “Of course, I won’t give a joke as a gift,” Ang pangyayaring ito ay naganap sa Australia nang magkaroon ng reunion ang Villania clan sa isa sa kanilang kamag anak noong araw ng pasko.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Abala ang lahat sa pagbukas ng kanilang gift, kasama na rito si Primo at Leon, ang kanilang dalawang anak. Habang si Iya naman na may hawak na camera ay may ibinigay kay drew na isang maliit na card.

Mapapanood sa video na walang alam ang kanilang mga kamag anak sa pagbubuntis ni Iya.
Sinabi naman ni Iya sa vlog na, “It was supposed to be the usual opening of gifts on Christmas morning with the Villania family in Australia but little did “Papa Du” know what surprise was in store for him! Best Christmas gift yet!”

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Dahil sa balita ay nadagdagan ang rason ng pamilya na magdiwang pa habang hinihiling na sana ay maging babae ang kanilang magiging anak. Pero may isang kahilingan si Iya, sinabi niya kay Drew na hindi nila aalamin ang kasarian ng kanilang magiging anak hanggang siya ay manganak para surprise at agad namang sumangayon si Drew.

Nang lumabas na ang vlog ay pormal ng inanunsyo ng magasawa sa instagram na inaasahan nilang lumabas ang bata sa kanilang ika-anim na anibersaryo bilang mag asawa.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Sinabi naman ni Drew sa kanyang IG video na, “We are doing this IG post because for the past couple of weeks it’s been bad news– very very sad news and I think it’s high time that we share some the good news. We have a very special announcement to make. We hope that it gives you good vibes as well,”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *