Walang Kupas pa rin ang kagandahan ni Kristine Hermosa na mayroon na ngayong apat na anak

Sinasabi ang mga Pinay ay isa sa mga pinakamagagandang lahi ng kababaihan sa buong mundo. Kapag kagandahan ang pag-uusapan ay maraming pangalan ng mga artista ang mababanggit. Isa na dito sa pinakamagandang mukha na nasilayan sa harap ng telebisyon ang kay Kristine Hermosa.

Image Courtesy: Instagram/osotto



Namayagpag ang showbiz career ng aktres mula taong 2000 hanggang 2010 kung saan bumida ito sa iba’t-ibang mga teleserye at mga pelikula. Ang mga karakter na ginampanan nito sa “Pangako Sa’Yo”, “Sana’y Wala Nang Wakas” at “Dahil May Isang Ikaw” ang pinakatumatak sa publiko. Nakatambal rin nito ang ilan sa mga pinakasikat at nag-gagwapuhang leading men ng bansa sa mga proyekto nito.

Nitong nakaraan ay nag-post ang aktres ng litrato nito kasama ang kanyang ina at dalawang kapatid na sina Kathleen at Joshua Miguel. Kapansin-pansin na ang kagandahan na taglay ni Kristine ay walang duda na nagmula sa ina nitong si Maria Alma Hermosa-Orille.

Image Courtesy: Instagram/khsotto

Tila pinagbiyak na bunga ang dalawa dahil halos magkapareho ang mga features ng mga ito, mula sa makinis na kutis, mga magagandang mata at maging sa maamong mukha. Hindi nakasama sa litrato ang isa pang kapatid ng mga ito na si Maxine ngunit maging si Kathleen ay hindi rin nalalayo sa mukha ng kanilang Mama. Nakuha nila ang pagiging mestizahin ng ina at iyon ang nagbigay sa kanila ng mala-diyosa na itsura.

Image Courtesy: Instagram/khsotto



Isa si Kristine Hermosa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz na tila ba nananatili pa din itong young looking kahit na siya ay isang ng Mommy.

Image Courtesy: Instagram/osotto

Ayon kay Kristine ang kaniyang kagandahan ay naman niya sa kaniyang In at nais nitong maging katulad niya pagdating ng panahon. Sa kasalukuyan ay hindi na masyadong lumalabas sa harap ng camera ang aktres magmula nang ito ay magpakasal sa kapwa aktor na si Oyo Boy Sotto.

Image Courtesy: Instagram/khsotto

Nabiyayaan sila ng apat na anak na pinangalanan nilang Ondrea Bliss, Marvic Valentin, Kristian Daniel at Kaleb Hanns. Hands-on ito sa pagiging ina at asawa sa kanyang lumalaking pamilya at lumabas lang muli sa telebisyon para sa ilang mga commercials na ginawa nito kasama ang ilan sa kanyang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/khsotto

Hindi malinaw kung may plano pang bumalik sa pag-aartista ang aktres ngunit sa ngayon ay mukhang kuntento at maligayang-maligaya ito sa pagiging full-time mom at wife sa kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/khsotto

Gayunman, isa lamang ang sigurado at iyon ay ang hindi kukupas ang taglay nitong natural na kagandahan kagaya na lamang ng ina nito na hanggang ngayon ay mukha pa ring dalaga at animo’y diyosang nagkatawang tao.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *