Isa nang ganap na Lieutenant ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang artistang si Dingdong Dantes

Marami sa mga artista ay hindi nananatili sa kanilang propesyon panghabambuhay dahil ang iba sa kanila ay naghahanap ng trabaho na makakapagkompleto sa kanilang pagkatao sa kabila ng katagumpayan sa kanilang larangan bilang artista.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



May iilan naman sa mga artista na hindi pa nakakapagtapos sa kanilang pag-aaral kung kaya’t noong sila ay nakaipon ay tinapos nila ang kanilang ninanais na kurso.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Tulad na lamang ni Dingdong Dantes na kamakailan lamang ay kanyang naisagawang tapusin ang kanyang training sa Philippine Navy kung kaya’t ito ay isang ganap nang opisyal ng hukbo.

Si Dingdong Dantes ay isang sikat na artista at naging kabiyak ng Marimar Filipino Version na si Marian Rivera. Ngayon siya ay tinuturing nang isang bayani ng kanyang pamilya at maging ng mga Pilipino.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Isang Lieutenant na sa Hukbong-dagat ng Pilipinas ang makisig na artistang si Dingdong, ito ay ibinahagi mismo ng kanyang asawa na si Maria sa SocialMedia na kung saan makikita rito ang ilan sa mga litrato na kung saan itinatalaga ang aktor bilang ganap na miyembro ng Phil. Navy.

Isinulat ni Marian sa kanyang post ang mga katagang, “Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super Proud of you my husband. Salute!” Kitang-kita sa mga litrato kung gaano kasaya ang buong pamilya ni Dindong sa natamo nitong tagumpay.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Ito ay siguradong pinaghirapan ni Dingdong at talagang hindi biro ang kanyang pinagdaanan upang makamit ang lahat ng ito. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa buhay at naipon na ari-arian sa kanyang pagtatrabaho bilang artista, ginawa niya pa rin ang bagay na ito upang makapagserbisyo sa bayan.

Tunay nga na ang iilan sa ating mga tao ay kontento na sa kung anong meron tayo at hindi na naghahanap ng ibang daan upang mas palawakin ang ating kaalaman at kakayahan sa ibang bagay.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Ngunit may iba naman na nanaisin na mas palawigin at diskubrehin ang iba pang mga bagay na kanilang maaari pang matutunan habang namumuhay dito sa lupa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *