Nagbukas ng sarili nilang negosyo na mayroong konsepto na Cat Cafe sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Sa mundo at industriya ng show business, kahit gaano ka pa man kasikat o karami ng iyong naipon sa pagtatrabaho bilang artista, kung hindi ka wais sa iyong paglalaanan ng iyong ipon ay siguradong mabagal ang iyong pag-unlad.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram



Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Dahil kung dumating man ang panahon na mawala ang iyong kasikatan o kung mayroon mang mangyari sa iyo na hindi inaasahan na dahilan upang hindi ka na makapagtrabaho sa showbusiness industry, maaari kang bumagsak pababa at hindi na makabangon dahil ikaw ay walang napundar na kahit anong negosyo o ari-arian.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Kung kaya’t mas mainam na magaling ka sa pagdedesisyon, gaya na lamang ng ilang artista na kung saan sila ay mas pinipiling mag-invest ng mga kaaya-ayang negosyo na talagang papatok sa tao dala na rin ng kasikatan nila na sila ang may-ari ng naturang negosyo kung kaya’t mas tinatangkilik ng mga tao.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram



Itulad natin sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na kamakailan lamang ay nagbukas ng kanilang sariling negosyo na kung saan ay mayroon itong konsepto ng Cafe na malapit sa kanilang pagkatao na mahilig sa alagang pusa.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Ang dalawang artista na nagawi sa pagiging entrepeneurs ay nagbukas ng kanilang Cat Cafe na matatagpuan sa QC. Makikita sa mga larawan na ang loob ng lugar ay maaliwalas at maginhawa kung ikaw ay papasok rito. 

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Maaari ka rin makipaglaro at yakapin ang mga napakacute na mga pusa. Dito mo rin matitikman ang specialty ni Jennylyn na kanyang sariling gawa na mga cookies samahan pa ng tasa ng tea at kape.

Ang cafe ay dinisenyo upang magkaroon kayo ng bonding time at makapagrelax kasama ang mga pusa na mayroong magagandang lahi. Binabaan lamang ang mga lamesa upang magkaroon ng espasyo para sa mga pusa na makapaglibot-libot at makipaglaro sa mga tao.



Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Gayunpaman, mas mainam na makipagusap sa awtorisadong tao ng Cafe upang gumawa ng iskedyul sa pagbisita dahil ang espasyo ng lugar kaya lamang mag-accomodate ng 10 tao. Ngunit mayroon namang 2 oras na limitasyon para sa mga bisita.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *