Ikinalungkot ni Miss Ai-ai delas Alas ang pagiging iresponsable ng mga ATM user

Isa ang basura sa mga pangunahing problema ng ating bansa. Saan ka man mapadpad ay may makikita kang kalat, ito man ay sa kalsada o sa mga iba’t-ibang anyong tubig kagaya ng ilog at dagat. Sa mga nakalipas na taon ay nagkaroon na ng mga programa upang malinis ang ating kapaligiran ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang naisasakatuparan ang mithiin ng mga ito dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng ating mga kapwa Pilipino. Ganitong-ganito rin mismo ang inirereklamo ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas dahil sa kaniyang nakita.

Image Courtesy: Instagram/Msaiaidelasalas



Nitong nakaraan lamang ay nag-post ng isang video ang Comedy Queen sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang nagkalat na mga resibo sa paligid ng magkakatabing ATM machines.

Image Courtesy: Instagram/Msaiaidelasalas

Dismayadong-dismayado ang aktres dahil sa nakitang pagiging iresponsable ng ibang tao sa kanilang sariling mga basura kahit kung tutuusin ay mayroon namang malapit na basurahan kung saan nila maaaring itapon ang mga papel.

Image Courtesy: Instagram/Msaiaidelasalas



Sa mismong video na iyon ay maririnig si Ai-Ai na nagsasabing “Grabe. Mga kuya, mga ate, pwede namang dito, di ba?” habang ipinapakita nito ang paligid ng lugar pati na ang malapit na tapunan ng basura.

Ang nakalagay sa caption ng nasabing post ay “Minsan maging disiplinado din tayo sa buhay naten.. ang kalat sa ATM ano bayan.. may basurahan naman sus.”.

Image Courtesy: Instagram/Msaiaidelasalas

Nagbalik tanaw rin ang komedyante noong bata pa ito sa ilalim ng pamumuno ng dating presidente na si Ferdinand Marcos na mayroong slogan na “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan” at napagtanto niya na malamang kaya may ganoon na noon pa man ay dahil matagal na itong  kaugalian ng mga Pilipino na dapat ng baguhin.

Image Courtesy: Instagram/Msaiaidelasalas

Para sa kanya ay dapat raw nating sundin ang nasabing slogan hanggang ngayon. Sa huli ng kanyang post ay gumamit pa ito ng mga hashtag na #tigilannaangpagigingdugyot at #linisinangbuhay.

Ang post na ito ay umani ng kaparehong reaksyon mula sa mga netizens at pati ang multi-awarded singer na si Lani Misalucha ay nagpahayag rin ng kanyang pagkadismaya.

Image Courtesy: Instagram/Msaiaidelasalas

Tila nakasanayan na nga ng marami sa atin ang pagtatapon ng basura kung saan-saan ngunit hindi na dapat pa ito magpatuloy para naman matuto ang mga susunod na henerasyon at hindi na nila sundan pa ang mga maling gawain na ito.

Magandang ibinahagi ni Ai-ai ang kaniyang pagkadismaya upang maging mulat ang ilang mga nakakita sa kaniyang post na maging malinis at maging aware sa ating mga basura.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *