Sinorpresa ni Jam ang kanyang nobya na si Camille ng simpleng mga bulaklak nitong dumaan na Valentine’s Day

Dumaan na naman ang araw ng pag-ibig na kung saan napakaraming babae ang naghangad na mabigyan ng mga regalo tulad ng tsokolate, love letter, at higit sa lahat ay magagarbong bulaklak na naka-bouquet na nanggaling sa kanilang iniibig.

Image courtesy: JamillPH/Instagram
Image courtesy: JamillPH/Instagram



Gayunpaman may iilan na sawi sa araw ng pag-ibig na mabigyan ng bulaklak sapagkat sa kanila’y walang umiibig o kasintahan o manliligaw ngunit may iba naman na ubod ng suwerte sa araw na ito sapagkat sila ay napunta sa malambing at matinong lalaki na paglalaanan ng oras at effort na bigyan ang kanilang minamahal.

Image courtesy: JamillPH/Instagram
Image courtesy: JamillPH/Instagram

Tulad na lamang ng sikat na YT Vlogger na Jamill na kung saan palihim na binilhan ni Jam ang kanyang minamahal na kasintahan ng isang napakagandang bulaklak nitong kamakailan lamang na dumaan na Pebrero 14.

Image courtesy: JamillPH/Instagram

Ang Jamill ay isa sa mga Top Earner sa YT na talagang tinatangkilik ng kanilang napakaraming fans ang bawat video vlogs na kanilang inuupload. Marami ang kanilang napapasaya na tao kung kaya’t bumubuhos din ang mga biyaya na kanilang natatanggap.

Image courtesy: JamillPH/Instagram

Ibinahagi ni Camille Trinidad kung paano ibinigay sa kanya ni Jam ang mga bulaklak na lubos ngang sumorpresa sa kanya. Ibinahagi niya rin sa caption ng kanyang IG post kung gaano siya kasuwerte sa pagkakaroon ng nobyong tulad ni Jam.

Image courtesy: JamillPH/Instagram



Ito ang pagbabahagi ni Camille: Nananahimik diumano ang dalagang si Camille sa sala nang biglang magpaalam sa kanya si Jam na may pupuntahan lamang saglit at babalik din agad ngunit nagtaka si Camille na napakatagal ng kanyang nobyo bumalik kung kaya’t text na siya ng text ngunit wala siyang natatanggap na reply. Laking gulat niya nang may dala-dalang regalong bulaklak ang kanyang minamahal na si Jam para sa kanya.

 

Image courtesy: JamillPH/Instagram

Pagmamalaking ibinahagi naman ni Camille na damang-dama niya raw ang Valentines Day dahil sa sorpresa kanya ng kanyang jowa at napakasuwerte raw niya dahil mayroon siyang napakasweet at napakamapagmahal na Future Husband.

Image courtesy: JamillPH/Instagram

Dito natin makikita ang tibay ng pagmamahalan ng magkasintahan na Vlogger na sina Jamill, dahil sa mga simpleng gestures lamang ay ramdam na ramdam na ni Camille ang pagmamahal ni Jam.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *