Dating Sikat na Mang-aawit na si Kitchie Nadal, ito na ang simpleng buhay ngayon

Naalala mo pa ba ang mga kantang “Same ground”, “Majika” at “Huwag na Huwag Mong Sasabihin”? Ilan lamang iyan sa mga pinasikat na kanta ng dating singer na si Kitchie Nadal o Anna Katrina Dumilon Nadal-Lopez sa totoong buhay.

Dati siyang bokalista ng bandang ‘Mojofly’ noong taong 1998 at noong 2000 ay nag-umpisa siyang magsulat ng sarili niyang mga kanta at humiwalay sa banda. Mabilis na sumikat ang kaniyang mga kanta at talaga namang sinasabayan ito ng halos lahat ng mga kabataan maging ng ilang matatanda.



Ipinanganak siya noong September 16, 1990 at maliban sa pagkahilig sa musika ay pinagtuunan niya rin ng pansin ang pagtatapos ng kolehiyo. Nag-aral siya sa St. Scholastica’s College sa Manila at habang abala sa paggawa ng mga kanta ay nag-aral siyang muli sa De La Salle University at nakompleto ang double degree course na major in Education and Psychology.

Naging maganda ang kaniyang karera sa larangan ng musika ngunit matapos siyang ikasal noong 2015 sa asawang si Carlos Lopez, isang journalist sa Espanya ay nagdesisyon si Kitchie na lisanin ang Pilipinas at pagtuunan ng pansin ang kaniyang bagong buhay kasama ang asawa sa ibang bansa.

Image Courtesy: Instagram/Kitchienadal

Simple lang ang kanilang naging kasal ngunit sa kabila nito ay naging laman padin siya ng usap-usapan sa mga balita lalo na nang malaman ng karamihan na nagsuot siya ng murang bridal dress na nagkakahalaga lamang ng 799 pesos.



Ginawa ito ng dating singer upang maging inspirasyon sa mga kababaihan na hindi kinakailangang gumastos ng mahal para maikasal ka sa taong nais mong makasama habang-buhay.

Image Courtesy: Instagram/Kitchienadal
Image Courtesy: Instagram/Kitchienadal

Makalipas nga ang dalawang taon na pagsasama ng mag-asawa ay nabiyayaan sila ng isang supling at ibinahagi niya ang magandang balitang ito sa publiko noong buwan ng Marso 2017.

Marami ang nag-abang kung ano ang magiging kasarian ng magiging anak ni Kitchie at masaya silang makita na ito ay isang lalaki.

Image Courtesy: Instagram/Kitchienadal

Sa kasalukuyan ay tumutugtog pa din ito paminsan-minsan sa ibang gigs at nagja-jam pa rin itong mag-isa at ibinabahagi ang kaniyang video sa kaniyang Instagram Account.

Image Courtesy: Instagram/Kitchienadal

Masaya ngayon si Kitchie Nadal sa kaniyang pribadong buhay sa Espanya kasama ang asawa at anak na si Keon at paminsan minsan ay bumibisita sa Pilipinas upang mamasyal at makita ang kaniyang mga kaibigan at kamag-anak.

Image Courtesy: Instagram/Kitchienadal



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *