Ina Raymundo, naging emosyonal habang pinagmamasdang natutulog ang anak na si Jakob Poturnak

Ang pagkakaroon ng anak ay isang dakilang biyaya para sa mga magulang lalong-lalo na sa mga ina na siyang nagdadalantao at dumadaan sa proseso ng panganganak. Kaya naman hindi rin matatawaran ang mga ginagawa nilang sakripisyo para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito.



Sa katunayan, kahit na dumating na ang pagkakataon na magkaroon sila ng sariling pag-iisip at desisyon ay hindi maiwasang maituring parin silang baby ng kanilang mga ina kagaya na lamang ni Jakob Poturnak, anak ng aktress na si Ina Raymundo.

Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95
Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95

Sa isang Instagram post na naging treding sa social media ay makikitang pinagmamasdan ng aktres si Jakob habang mahimbing itong natutulog sa kaniyang kwarto.

Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95



Habang nakaupo nga si Ina sa tabi ng kama ay muli niyang naalala ang mga panahon kung kailan sanggol pa lang si Jakob at hindi ito halos umaalis sa kaniyang tabi. “Mama’s boy” nga kung tawagin ng aktres ang nag-iisa niyang anak na lalaki sa asawang si Brian Poturnak dahil napakasweet at napakalambing niyang bata.

Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95
Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95

“Bittersweet. I see my 15-year old son, my only boy, who’s way taller than me now, muscular, his voice is deep and his legs are so hairy. Then I remember him as a cute, little, mama’s boy. It makes me cry.  (then laugh coz I feel silly)  Haaay… mommy life P. S I’m wearing his old “pinagkaliitan” t-shirt…”, caption ng aktres sa kaniyang video post.

Malaki na nga ang pinagbago ng kaniyang anak sa paglipas ng panahon at ngayon ay madalang nalang silang magkasama kumpara dati. Ganoon pa man, suportado pa rin ni Ina at ng kaniyang asawa ang lahat ng ginagawa ni Jakob lalo na kung ito ay mahalaga sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95
Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95

“I love you, son. Dad and I will always be the wind beneath your wings so keep soaring high. We will always be there no matter what. #myonlysonshine #mamaslove #JakPot”, dagdag pa ni Ina.

Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95

Ngayong binata na si Jakob, hindi mapagkakaila na balang araw ay magkakaroon ito ng girlfriend dahil bukod sa napakabuting anak nito ay napakagwapo pa na manang-mana sa kaniyang mga magulang kaya naman ganoon na lamang ka-emosyonal si Ina dahil binata na ang kaniyang baby boy.

Image Courtesy: Instagram/inaraymundo95

Talaga namang walang hanggan ang pagmamahal ng mga magulang lalo na ng mga ina sa kanilang anak. Kaya naman, nawa ay patuloy natin silang pahalagahan habang nakakasama pa natin sila sa mundong ito.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *