Nikki Gil, mas pinagtutuunan muna ng pansin ang pagiging ina sa kaniyang Baby Boy at simpleng buhay

Sa mundo ng show business ay hindi maiiwasang alamin ng publiko ang halos lahat ng patungkol sa buhay ng kanilang mga ini-idolo, kagaya na lamang ng mga artista, singer o mga dancer. Kaya naman, karamihan sa mga artista ay nagbabahagi ng ilang parte ng kanilang buhay sa likod ng kamera sa pamamagitan ng social media.

Sa kabilang banda, mayroon din namang ilan sa kanila na mas pinipiling gawing pribado ang kanilang buhay lalo na kung sila ay nasa isang relasyon na o di kaya naman ay nagsimula nang magkaroon ng pamilya. Sa ganitong paraan kasi ay mas naiingatan nila ang nasabing relasyon at napagtutuunan ng pansin ang mga taong mas importante sa kanilang buhay.

Image Courtesy: Instagram/nikkigil



Isa na nga dito ang dating aktres at magaling na singer na si Nikki Gil. Matapos niyang ikasal sa kaniyang asawa na si Bj Albert ay nagdesisyon siyang talikuran pansamantala ang karera at pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng isang pamilya.

Nagkaroon nga sila ng anak at sa ngayon ay abala si Nikki sa pagsisiguro na maayos niya itong mapapalaki dahil hands on ito sa pag-alaga sakaniya.

Image Courtesy: Instagram/nikkigil

Masaya man sa tahimik at bagong yugto ng kaniyang buhay ay hindi iniaalis ni Nikki ang posibilidad na pagbalik niya sa dati niyang trabaho. Sa kasalukuyan ay nag-aaral rin siya ng Interior Design sa Philippine School of Interior Design sa Taguig City.

Image Courtesy: Instagram/nikkigil

“I’m not missing it much yet. I’m happy with my quiet life. But I do miss work and the people that I used to work with. Of course I kind of grew up in the industry as well so I spent many years with the staff and my fellow artists. I miss the bond but I think I’ve enjoyed that season enough and I’m just enjoying my season now which is motherhood. I’m an interior design student and now theater”, pagbabahagi ni Nikki sa ginanap na press launch ng Repertory Philippines 2020 show line up.

Image Courtesy: Instagram/nikkigil



Image Courtesy: Instagram/nikkigil

Sa muling pagbabalik nga ni Nikki sa trabaho ay makakasama niya si Gian Magdangal sa gaganapin na Broadway musical na Carousel. Agad niyang tinanggap ang alok na proyekto lalo na at mahilig siya sa teatro lalo na kilalang kilala Broadway Productions.

Image Courtesy: Instagram/nikkigil
Image Courtesy: Instagram/nikkigil

Sa ngayon ay masaya si Nikki Gil sa kaniyang simple buhay kung saan nakakapag-aral ito at nababantayan niya ang kaniyang pamilya lalo na ang napakacute niyang baby boy na si Finn.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *