Anak ng ilang celebrities masuwerte dahil ipinanganak na silang mayaman ang kanilang mga magulang

Hindi lahat ng mga artista ay ipinanganak na mayaman at matiwasay ang buhay. Sa katunayan, karamihan ngayon sa mga artista na sikat ay nagsimula munang makaranas ng hirap bago umasenso ang kanilang buhay. Kailangan pa nilang kumayod sa showbusiness bago nila maabot ang kanilang katanyagan at kasuwertehan.

Subalit alam niyo ba na may iilang mga celebrity kids na napakaswerte dahil kahit na hindi na sila pumasok sa showbusiness industry ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan dahil na rin sa kanilang mga magulang.

Narito ang ilan sa mga kilala nating mayayamang celebrities at maswerte nilang mga anak:

1. Pacquiao Kids

Sa pagiging sikat ng kanilang mga magulang, hindi maiwasan na mapasama sa headlines ang magkakapatid na Pacquiao kids. Sa usapin ng pagiging mayaman ay walang duda na nakaka-angat talaga sa buhay ang mga batang ito at kahit na hindi sila magtrabaho ay nakakamit nila ang mga mamahaling bagay na kanilang gusto.

Image Courtesy: Instagram/Jinkeepacquiao



Makikita ito sa kanilang family photos kung saan mamahalin ang kanilang mga suot at kumpleto rin sila sa mga gadgets. Tinatamasa lang naman kasi nila ang 15 negosyo at 9 na mansion ng kanilang mga magulang!

Ang mga batang ito ay sina Jimuel, Michael, Queen Elizabeth, Mary Divine Grace at Israel Pacquiao. Sila lang naman ang mga susunod na tagapagmana ng Boxing Champ na si Manny Pacquiao!

Pero kahit na sila ay saksakan ng yaman, nananatili pa ring humble ang mga batang ito at simple pagdating sa ibang bagay.

2. Scarlet Snow Belo-Kho

Isa si Scarlet Snow sa pinakakilalang anak ng mga bigating personalidad dahil siya lang naman ang nag-iisang anak nina Hayden Kho at Vicki Belo, ang mga sikat at kilalang kilala na celebrity doctors sa buong Pilipinas.

Image Courtesy: Instagram/Victoria_Belo

Sa katunayan, kahit hindi na pumasok sa showbusiness industry si Scarlet ay mayaman na ito dahil ngayon pa lamang ay siya na ang isa sa mga endorsers ng kanilang Belo Clinic kung saan hindi na nito kailangan pang dumaan sa mga management team dahil siya lang naman mismo ang isa sa tagapagmana ng Belo Clinic ng kaniyang Ina.

Instant rich kid ang batang ito dahil alam ng lahat na billions ang kinikita ng Aesthetic Beauty Clinic ni Dra. Vicki Belo!

3. Lardizabal Kids

Nagmamay-ari ng isang hospital at ilan pang negosyo ang mga magulang ng Lardizabal kids na sina Donna Cruz at Yong Lardizabal kaya naman itinuturing sila na kabilang sa mayayamang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/Donacruzyl



Sina Belle, Cian at Gio ay masaya ngang namumuhay na mayaman kahit na hindi pa sila pumasok sa mundo ng showbiz dahil isa sila sa pinaka maswerteng mga anak. Thanks to their parents!

4. Kramer Kids

Bata pa lamang ay umaarangkada na ang bank accounts ng mga Kramer kids dahil sumikat ang mga ito gawa na rin sa kanilang iba’t ibang endorsements at vlog. Hindi man ganoon kayaman sina Doug Kramer at Chesca Kramer noong sila ay bagong kasal, biglang yaman naman ng mga ito noong simulang nakilala ang kanilang mga anak sa social media.

Image Courtesy: Instagram/chekakramer

Instant celebrity ika-nga ng iba ang mga kramer kids dahil sila ang mga kauna-unahang sumikat sa social media dahil na rin sa kanilang mga magulang.

Ngayon ay isang napakalaking mansion ang kanilang tirahan at may iba’t ibang business na hawak ang kanilang mga magulang kung saan bukod doon ay may kani-kanilang Fan page pa ang mga batang ito na humahakot ng milyong views sa media.

5. Rivera-Dantes Kids

Isa sa mga pinaka successful celebrities ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na humakot ng napakaraming viewers sa kanilang mga teleserye noon. Kung ang kanilang kasal ay inabot ng ilang milyong piso, ibig sabihin lamang nun ay limpak limpak ang pera ng mga ito lalo na noong sila ay ikinasal dahil napakaraming nilang supporters at fans na talaga namang todo support hanggang ngayon.

Image Courtesy: Instagram/marianrivera

Kaya naman hindi mapagkakaila na maswerte ang kanilang anak na sina Zia at Baby Ziggy dahil bago pa man sila isilang ay napakayaman na ng kanilang mga magulang. Kahit na hindi na ito pumasok pa sa showbusiness ay sigurado na ang kanilang future.

6. Lagdameo Kids

Image Courtesy: Instagram/dawnzulueta

Anak ng mag-asawang Dawn Zulueta at Antonio Floirendo Lagdameo Jr. ang mga batang sina Jacobo at Ayisha. Pangalan palang ng kanilang mga magulang ay masasabi ng swerte ang dalawang bata dahil pinanganak silang instant rich. Ang kanilang ina na si Dawn ay isa sa mga batiang artista sa mundo ng showbiz samantalang ang ama naman nila na si Antonio ay kilala sa pagmamay-ari nito ng iba’t ibang negosyo sa Davao.

7. Joel Cruz Kids

Ang sikat na Lord of Scents na si Joel Cruz na nagmamay-ari ng Aficionado ay nagkaroon ng pitong anak sa pamamagitan ng Surrogacy baby. Ang ganitong proseso upang magkaroon ng anak through in vitro fertilization ay nagkakahalaga lang naman ng mahigit 6-12 million pesos kada baby!

Image Courtesy: Instagram/Joelcruzaficionado

Kayang kaya ni Joel Cruz ito dahil bago pa man siya magkaroon ng anak ay kilalang kilala na siya na napakayaman at nagmamay-ari ng napakaraming mansion sa Pilipinas at sa ibang bansa! Kaya naman napakaswerte ng kaniyang mga twin babies dahil fortunate ang kanilang Ama.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *