Ipinanganak ni Ethel Booba ang kaniyang First Born Baby sa edad na 43

Ang komedyanteng si Ethel Booba ay nanganak nitong nakaraang araw ng mga puso (February 14, 2020) sa panganay nito sa kanyang partner na si Jessie Salazar.

Image Courtesy: Instagram/Ethelbooba



Nag-tweet ito ng litrato ng maliliit na paa ng baby nito na nilagyan nito ng caption na, “Welcome to this world Little Booba! Charot!” sa mismong araw ng kapanganakan nito. May isang tweet pa ito na nagsasabing “Panis yang date nyo sa due date ko! Charot!” bilang patama sa mga ibang magkasintahan o mag-asawa na paniguradong nag-date noong araw na iyon. 

Image Courtesy: Instagram/Ethelbooba

Nobyembre ng nakaraang taon inanunsyo ni Ethel ang pagdadalang-tao nito at Disyembre naman ginanap ang gender reveal party nito kung saan napag-alaman na babae ang magiging anak ng komedyante.

Image Courtesy: Instagram/Ethelbooba

Ika-23 naman ng Enero nang batiin nito ang nobyong si Jessie sa isang Instagram post kung saan hawak nito ang 3D ultrasound image ng kanilang anak na noo’y nasa tiyan pa lamang nito at may caption na,

Image Courtesy: Instagram/Ethelbooba



“Happy birthday papa Jessie Salazar, it’s me MICHAELA.”

Ayon kay Ethel, wala sa kaniyang mga plano ang magkaroon pa ng baby sa edad na 43 dahil ang tanging akala niya ay hindi na siya pwedeng makabuo ng sanggol sa kaniyang edad. Ibinahagi din nito na hindi niya talaga plano na magkaroon ng anak noon dahil napakarami na raw nitong inaalagaan na mga pamangkin na anak ng kaniyang mga kapatid.

Image Courtesy: Youtube/Ethelbooba

“Hindi ko ineexpect na makakabuo ako. Sabi ko, okay lang na hindi ako magkaka-baby, basta mapalaki ko lang yung mga pamangkin ko. Pero biglang dumating,” pagbabahagi ni Ethel.

Image Courtesy:Youtube/Ethelbooba

Kaya naman tuwang tuwa ito nang malaman niya na buntis na pala ito sa kaniyang non showbiz partner na si Jessie Salazar na siya namang ibinahagi ng komedyante sa isang episode ng “Magandang Buhay”.

Image Courtesy: Instagram/Ethelbooba

Isa si Ethel Booba sa pinaka popular na nagpatawa sa atin noon dahil sa kaniyang mga nakakatawang jokes at prangka na mga salita. Kaya naman maraming fans ang natuwa ng isilang ang kaniyang first born child na si Michaela dahil hindi inaasahan ng iba na mabubuntis pa ito sa kaniyang edad.

Image Courtesy: Youtube/Ethelbooba
Image Courtesy: Youtube/ethelbooba

Tama nga ang sabi ng iba na walang impossible kung ito ay mismong ibibigay saiyo ng Panginoon. Akalain mo kung sino pa ang hindi naghahangad ay siya pa ang nabibiyayaan. Kaya kapit lang at malay mo isang araw ay ikaw naman ang biyayaan ng Panginoon sa iyong kahilingan.

Congrats Ethel and Jessie!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *