Kilalanin ang mayroong napakasimpleng kagandahan na kasintahan ni Ejay Falcon na si Jana Roxas

Dahil sa modernong panahon at social media, nagagawa na ng mga fans ang sumubaybay sa buhay ng kanilang mga iniidolong artista. Kung dati ay kailangan pang abangan sa telebisyon ang paglabas nila, ngayon ay pumunta lamang sa Instagram o Facebook acccounts ng mga ito ay pwede na nilang makita ang mga ito kailanman nila gustuhin.

Noon pa man ay mahirap na ang magkaroon ng privacy para sa mga artista ngunit mas mahirap na itong makamit ngayon. Gayunpaman ay may iilang mga kilalang personalidad pa rin ang napapanatili ang kaunting privacy sa buhay nila kahit papaano, isa na rito ang gwapong aktor na si Ejay Falcon. 

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon



Si Ejay Falcon ay masaya at kuntento sa buhay nito ngayon kasama ang magandang babaeng nagpapatibok ng puso nito na si Jana Roxas.

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon

Lumabas na rin sa telebisyon noon ang nobya nito bilang dating contestant sa artista search na programa ng GMA Network na StarStruck. 

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon

Naunang nagkakilala ang dalawa sa isang house warming party sa may Pansol, Laguna kung saan naimbitahan si Ejay at ito ay ginanap sa bahay mismo ni Jana. Ayon sa panayam ni Boy Abunda sa aktor, tingin raw niya ay soulmate niya si Jana.

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon

Makikita ang mga litrato ng magkasintahan sa kani-kanilang Instagram accounts at nitong nakaraan lamang ay nag-post si Ejay ng pasasalamat kay Jana sa ginawang paghahanda nito para sa kanyang ika-27 na kaarawan.

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon



Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon

Sabi pa ng aktor ay ito raw ang isa sa pinakamalaking blessings na natanggap nito sa taong ito. Hindi nilinaw ni Ejay kung kailan sila naging opisyal na magkasintahan ngunit ayon sa mga bali-balita ay noong November 1, 2017 pa raw ay nakita nang magkahawak-kamay ang dalawa.

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon

Kung e-estimahin ang mga litrato sa account ni Ejay ay mukhang tatlong taon na rin ang kanilang relasyon.

Kali-kaliwa naman ang pagpapakasal at mga proposal ng mga artista sa ngayon ngunit para sa aktor ay hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanila ni Jana upang lumagay sa tahimik.

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon

Napag-uusapan na rin naman nila umano ang tungkol rito pero abala pa raw sila at ayaw naman ni Ejay na ma-pressure dahil lang marami ang ikinakasal ngayon.

Normal lamang rin lang daw silang magkasintahan kung saan nagkakaroon rin sila ng mga maliliit na away at mga hindi pagkakaintindihan.

Image Courtesy: Instagram/ejaythefalcon

Bilang konklusyon, mukhang medyo matagal-tagal pa bago maririnig ang tunog ng mga kampana para kay Ejay at Jana kaya ngayon at ineenjoy muna nila ang isa’t isa kung saan madalas nalang silang magtravel para makapag bonding.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *