Silipin ang mga litrato ni Liza Soberano sa kanyang pagdalo sa unang kaarawan ng kaniyang pamangkin

Liza Soberano isa sa mga kasamang nagdiwang ng binyang at unang kaarawan ng kanyang pamangkin Sa kabila ng kaniyang napaka abalang iskedyul ay nagawa pa din ng aktres na si Liza Soberano na maisingit at makahanap ng oras para makadalo sa binyag at unang kaarawan ng kanyang pamangkin.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Ang sikat at bituing aktres na si Liza Soberano na leading lady ng telerseryeng pinamagatang “Make It With You” ay nag post sa kanyang Instagram account ng mga litrato ng bonggang double celebration ng kanyang pamangkin na si Lily Heart na ginanap sa Mary the Queen Parish na matatagpuan sa San Juan at Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Ang nasabing pamangkin na si Lily Heart ay anak nang kapatid na lalake ni Liza Soberano na si Justin at ng kanyang asawa na nagngangalang Chloe Ong. Sa caption na inilagay ni Liza Sobereano sa kanyang post sa Instagram.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram
Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Nagbahagi ang Aktres ng matatamis na mensahe para sa kanyang pamangkin. Sa nasabing caption, binati nya ang kanyang pamangkin ng Maligayang Kaarawan. Ipinabatid din ng aktres na hindi kayang tumbasan ng salita kung gaano niya kamahal ang kaniyang pamangkin. Nagbiro pa ang aktres sa kanyang post na sana wag agad itong tumanda.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram
Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Pinasalamatan din ng aktres ang mga organizer at mga taong naging bahagi ng matagumpay, masaya at di malilimutang pagdiriwang ng unang kaarawan at binyag ni Lily Heart. Aniya, sa pagdating ng tamang edad ng kanyang pamangkin ay ipapakita nila ang mga iba’t ibang litratong may masasayang alaala at bidyo ng may iba’t ibang kaganapan na kinunan sa araw ng pagdiriwang ng kanyang binyag at unang kaarawan.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram
Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Dagdag pa ng aktres na sa pamamagitan daw ng mga bagay na ito magkakaroon ng pagkakataon ang kanyang pamangkin na makita kung paano nila pinaghandaan at ipinagdiwang ang nasabing okasyon at sa simpleng bagay na ito marandaman man lang ni Lily kung gaano namin siya kamahal.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *