Ibinahagi ni Cristine Reyes ang simple at intimate na pagdiriwang niya ng kaniyang 31st na Kaarawan

Cristine Reyes nagkuwento tungkol sa simpleng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Sa kanyang panayam pinaliwanag ng aktres na mas gugustuhin niyang magdiwang ng kanyang kaarawan na kasama lamang ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram



Kaya mas pinili niyang magkaroon ng simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan Noong nakaraang Miyerkules, Pebrero 19 sa programang Magandang Buhay masayang ibinahagi ng aktres ang biglaang selebrasyon ng kanyang 31st kaarawan sa kanyang pamamahay na kasama ang kanyang pamilya at matatalik at malalapit na kaibigan.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

Gayunpaman makikita natin sa kanyang pangangatawan at ganda ang nasabing aktres na parang hindi ito tumatanda. Aniya, dapat nating ipagdiriwang ang ating kaarawan kasi ito ang pinakamagandang regalo at biyaya na galing sa Panginoon at ipagdiwang din natin ang ating buhay.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram



Dagdag pa ng aktres, hindi niya naman pinagsisihan ang mga bonggang kaarawan niya dati dahil naging masaya naman siya at wala din naman siyang pinagsisisihan sa pagdiriwang niya ng kanyang simpleng kaarawan ngayon. Dahil mas gugustuhin niyang magkaroon ng magandang samahan at masasayang oras na kasama ang kanayang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Ika-anim ng Pebrero and eksaktong kaarawan ng nasabing aktres.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

At may mga ilan na siyang ibinahaging larawan sa kanyang Instagram Account. Marami sa atin ang nahihiya na sabihin ang tamang edad, pero para kay Cristine ay isa lamang itong numero. Na para sa kanya, na kahit tumanda man tayo ay hindi ka parin magbabago kung sino ka talaga, pero ito ang nagiging dahilan ng pagbabago ng ating nararamdaman, mas lalo tayong nagiging matured at mas lalong may magagandang pananaw sa buhay.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

Paliwanag nang aktres. Sabi pa nang actress, hindi siya naging maingat dati, at inaamin niya iyon. Dagdag pa niya, mahal mo ang iyong sarili pero nakakagawa ka parin ng pagkakamali sa buhay pero hindi tulad ngayon na nasa 30’s na siya, mas maingat at kailangan niya munang pag-isipan ang bagay-bagay bago niya ito gawin. May bagong pelikula si Cristine Reyes na pinamagatang “Untrue” kasama niya dito ang actor na si Xian Lim.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *