Ipinasilip ni Kathryn Bernardo sa publiko ang kaniyang bagong bili na hikaw na nagkakahalaga ng 300 Thousand Pesos

Kathryn Bernardo ipinakita ang bago niyang hikaw na nag kakahalaga ng 300k pesos. Masayang ibinahagi niya ang kanyang bagong hikaw na nanggaling pa sa Dubai. Isa ang aktres sa mga naging instrumento sa matagumpay na pelikula na pinamagatang “Hello Love Goodbye” na nagpakilig sa masang Pilipino.

Image courtesy: Kathryn Bernardo’s Property/Photos



Ito ay isa sa kanyang mga pelikula na umani ng malaking halaga na kung saan umabot ito ng 800M pesos. Kilala ang aktres sa pagiging mahilig sa hikaw kung kaya siya ay nag desisyon na dagdagan na naman ang mga koleksyon niyang hikaw. Sa kanyang litrato na ibinahagi sa publiko makikita ang kahanga-hanga na ganda ng kanyang hikaw na nanggaling pa sa Dubai, at ito ay gumagawa ng ingay at usap-usapan sa online community.

Image courtesy: Kathryn Bernardo’s Property/Photos

Ayon sa nakalap na impormasyon at ibinahagi ng Metro Style. Ang nasabing sikat na aktres na si Kathryn Bernardo ay meron na namang bagong hikaw na galing sa Maria Tash Dubai na isa sa mga kilalang gumagawa ng mga mamahalin at magagandang alahas at isa na nga doon ang bagong hikaw na pagmamay-ari ng nasabing aktres na nagkakahalaga ng 300k pesos.

Image courtesy: Kathryn Bernardo’s Property/Photos
Image courtesy: Kathryn Bernardo’s Property/Photos



Noong nakaraang Enero matatandaan na bumili din ang aktres ng bagong hikaw na kung saan ito ay inaalay niya sa kanyang mga loyal fans at followers sa kanyang Youtube Channel na “Everyday Kath” na mayroon ng 1.34 M na bilang ng mga kanyang tagasuporta. Sa kanyang nakaraang panayam.

Image courtesy: Kathryn Bernardo’s Property/Photos

Matatandaan natin na sinabi ng sikat na actress na ito ay isa sa mga nakasanayan na gawin sa bawat pagkakataon na meron siyang nakakamit na bagong tagumpay sa kanyang buhay, siya ay bumibili ng bagong hikaw.

Image courtesy: Kathryn Bernardo’s Property/Photos

Para sa aktres ito ay nagsisilbing ala-ala sa mga bagay na kanyang nakakamit at napapagtagumpayan sa buhay, isa lamang din ito sa mga bagay na nagbibigay ng saya at motivation upang lalo niyang pag igihan ang kanyang mga ginagawa sa industriya at sa buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *