Xian Lim Sinorpresa ang kasintahan na si Kim Chiu ng malahiganteng bungkos ng mga Bulalak 3280 268

Ang Pebrero ay buwan kung saan pinagdiriwang natin ang araw ng mga puso, kung kaya’t may kanya-kanya tayong pamamaraan at pakulo para gawing romantiko, makabuluhan at hindi malilimutang araw para sa ating mga minamahal.

Image courtesy: Kim Chiu/Instagram

Kaya naman gumawa ng ingay sa social media ngayong taon para sa araw ng mga puso ang aktor na si Xian Lim, na kung saan ay kanyang sinurpresa sa mismong taping ng panghapong teleserye na ating inaabangan na may pamagat na “Love Thy Woman” ang kanyang kasintahan na si Kim Chiu ng malahiganteng bugkos ng mga bulaklak na kasing taas ng aktor.

Image courtesy: Kim Chiu/Instagram
Image courtesy: Kim Chiu/Instagram

Para sa aktor ito ang kanyang paraan para maipakita at masiguro na maramdaman ng kanyang kasintahan na si Kim Chiu ang pagmamahal niya sa araw ng mga puso. Kung kaya’t naghanda siya ng regalo para sa kasintahan, at ito ay ang malahiganteng bugkos ng mga bulaklak, na makikita natin na bidyo na naka post sa sosyal medya hila-hila ng tatlong lalaki kasama ang aktor papunta sa room kung saan nandoon ang aktres at laking gulat nito.

Image courtesy: Kim Chiu/Instagram

Hindi lamang si Kim Chiu ang makikitaan ng kilig pati na rin ang mga taong nakasaksi sa surpresa ng aktor para sa kanya. Mapapa “sana all” ka nalang. Ang haba ng hair ni ate Kim Chiu. Batid ng aktres, na sa bawat taon ay hindi siya nakakalimutang isurpresa ng aktor na si Xian Lim.

Image courtesy: Kim Chiu/Instagram

Ito ang nakasulat sa litratong kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram na yakap niya ang malahiganteng bugkos ng bulaklak. Nagbiro pa ang aktres na babae pala siya at nagpapasalamat siya sa effort ng aktor.

Image courtesy: Kim Chiu/Instagram

Naging magkasintahan sina Xian Lim at Kim Chiu noong 2012. Pero kung matatandaan natin sa Show ni Boy Abunda na “Tonight With Boy Abunda” noong Nobyembre 15, 2018 ito ang petsa kung saan umamin ang aktres tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Xian Lim.

Image courtesy: Kim Chiu/Instagram

Sa kasalukuyang panayam sa kanila, tinanong ang dalawa kung meron na silang plano sa pagpapakasal at ang tangi nilang naisagot ay ang susi sa masayang pagsasamahan bilang magkasintahan ay wag madaliiin ang mga bagay-bagay.

Image courtesy: Kim Chiu/Instagram

Ang bagong proyekto ng dalawa sa kapamilya network ay ang telerye sa hapon na may pamagat na, “Love Thy Woman,” kasama si Yam Conception.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *