Hanga ang mga netizens kung gaano ka-wais at praktikal na Misis si Neri Naig

Tuwang tuwa ang mga netizens sa tuwing magbabahagi si Neri Naig ng kaniyang mga tips tungkol sa pagnenegosyo at pagiging isang may-bahay dahil nakakarelate ang karamihan sa kaniya.

Halos ilang taon na ring mag-asawa sina Chito at Neri kung saan may isa na rin silang lalaking anak na nagngangalang Miggy. Lumisan na si Neri sa kaniyang showbiz career at naging hands on na ito sa kaniyang pamilya kung saan makikita na madalas na lamang ito magbahagi sa kaniyang Social Media Account ng kaniyang mga munting negosyo na ngayon paunti-unti ng lumalago.

Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda



Sa katunayan, mayroon itong maliit na Ukay-ukay, bakery, gourmet tuyo, Alfonso’s house at cafe na tinatawag niyang Not-so-secret-garden at marami pang ibang maliiit na negosyo niyang naitayo at pinaplanong itayo.

Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda

Ayon sa aktes, hindi raw ito humihingi ng pera sa kaniyang asawa sa pagtayo ng kaniyang mga maliliit na mga pagkakakitaan dahil siya mismo ang nagpundar ng mga ito.  Hands-on si Neri sa pagpapalakad ng kaniyang mga negosyo kasabay ng kaniyang pagpapalaki sa kaniyang anak na si Miggy.

Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda

Bilang isang matipid at wais na Misis, namumuhay lamang ng simple at praktikal ang aktres kahit na alam ng karamihan kung gaano na kayaman ang kaniyang asawa dahil sa sikat na ‘Parokya ni Edgar’ na banda nito.

Sa katunayan mas masaya pa si Neri na magtinda ng kung ano-ano at kumain ng simpleng pagkain kagaya ng mga gulay at galunggong dahil para sakaniya ay mas masarap ang ganitong klase ng pagkain at pamumuhay.

Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda



Mayroon din itong hardin at taniman ng mga gulay at prutas kung saan dito na lamang siya madalas mamitas ng kaniyang mga kakailanganin na gulay o sahog imbes na bumili pa ito sa palengke. Nais ng aktres na magkaroon ng healthy at happy lifestyle ang kaniyang pamilya kaya sinisigurado nito na safe at healthy ang kanilang inihahain.

Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda
Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda

Kaya naman kahit marami ang bumabatikos sa kaniya dahil ang iba ay tinatawanan lamang ang kaniyang strategy sa pagnenegosyo,  hindi nito pinapansin ang mga ito at tuloy lamang siya sa pagbabahagi ng kaniyang mga pinagkakaabalahan na pagkakakitaan.

Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda

Sa katunayan, nakapagpatayo na rin ito ng rest house kung saan ipinaparenta niya sa mga pamilya nais na magbakasyon. Pinaplano rin niya na magkaroon ng sariling spa ngayong taon kaya naman todo plano ito upang matupad ang kaniyang ninanais.

Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda
Image Courtesy: Instagram/msnerimiranda

Tunay ngang wais na misis si Neri dahil sa napakarami nitong ideya sa pagpapatayo at pagpapalago ng isang negosyo. Para sakaniya ay hindi nakakahiya ang kaniyang ginagawa dahil masaya ito sa ganitong simpleng buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *