Lubos na kagalakan ang nadama ni Liza Soberano nang sorpresahin siya ni Enrique Gil sa espesyal na pamamaraan

Liza Soberano nakatanggap ng Surpresa mula kay Enrique Gil sa Araw ng mga Puso na muli nagpakita at nagdala na naman ng kilig si Enrique Gil sa kanyang kasintahan at love team partner na si Liza Soberano kung saan ang aktres ay kitang-kita ang kagalakan sa kanyang mga labi at ngiti nang kanyang matanggap ang surpresa mula sa kanyang kasintahan na si Enrique Gil noong Araw ng mga Puso.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Makikita sa mga naupload na bidyo sa Instagram, kung saan masayang sinurpresa ni Enrique Gil ang aktres ng dalawang malalaki at palumpon ng mga asul at mapupulang bulaklak ng mga rosas at may kasama pang halik.

Sa kanilang bagong teleserye, sa pang gabing prime time bida na pinamagatang “Make it With You” na kakasimula palang noong Enero 13, 2020, ang kanilang teleserye ay naging usap-usapan na naman ng marami nilang tagahanga at taga-suporta kung saan gabi-gabi nilang pinapakilig ang masang Pilipino.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Sa post ng aktor, nagbigay ito ng mga matatamis na mensahe para kay Liza Soberano, inilarawan din niya dito ang kanyang kasintahan na “forever baby”.

Pinagmamalaking isinulat ng aktor sa post niya sa Instagram na si Liza Soberano ang kanyang mundo at lahat. Dagdag pa ng aktor, si Liza Soberano ang dahilan kung bakit ang kanyang mundo ay masaya at makulay.

Image courtesy: Solidlizquengas/Instagram



Image courtesy: Solidlizquengas/Instagram

Nagpasalamat din ang aktor, sa pagkakaroon ng mabuting puso at kalooban ni Liza Soberano sa mga ibinibigay at ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang galak at suporta sa sobra-sobrang pagmamahal at pagpapakilig na ipinapakita ng dalawa.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Ipinagdiwang ng magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang kanilang anibersaryo noong Oktubre 2019.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Sa nakaraang panayaman sa magkasintahan, ayon sa aktres, naniniwala siya sa kanyang kasabihan at paniniwala na ang taong unang bibihag ng kanyang puso ay kanyang makakatuluyan at makakasama sa buhay.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Dagdag pa ng aktres, napag-uusapan narin nilang dalawa ni Enrique Gil ang tungkol sa kasal.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *