Ibinahagi ni Bianca Manalo ang litrato sa Paris na simbolo ng kanilang pagmamahalan ni Win Gatchalian

Save the last dance for me ‘: Bianca Manalo at Win Gatchalian naging kumportable sa Paris. Makikita sa mukha ni Bianca Manalo na siya ay in love at masayang kasama ang kanyang kasintahan na si Senator Sherwin “Win” Gatchalian. Si Pamela Bianca Ramos Manalo o mas kilala na si Bianca Manalo ay ipinanganak noong Nobyembre 28, 1987.

Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram



Isang Pilipina Aktres at beauty pageant titleholder. Siya ay nanalo bilang isang Binibining Pilipinas Universe noong 2009, at iprenisinta ang Pilipinas sa Miss Universe noong 2019. Siya ang kauna -unahang babaeng Asyano na naging isang endorser ng L’Oreal Matrix, noong Pebrero 2012.

Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram

Sa kanyang pinakabagong Instagram post na na-upload noong Linggo, ang beauty queen-actress ay nakitaang nagiging kumportable at masaya kasama ang senador habang nakaposing para sa isang larawan sa harap ng Eiffel Tower sa Paris, France.

Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram
Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram



“Save the last dance for me,” ito ang kanyang sinulat na caption sa kanyang Instagram post. Nangyari ito noong Nobyembre, kung saan ay itinakda niyang aminin ang tungkol sa magandang estado ng relasyon nila ni Senator Win pagkatapos niyang batiin ito sa kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng Instagram post.

Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram

Ibinahagi niya ang isang larawan na magkahawak sila ng kamay, na may caption na, “isipin mong minahal ka sa paraan kung paano ka magmahal.” na nagbibigay lamang ng indikasyon na puno ng saya at pagmamahalan ang relasyon ng aktres at ng senador. Isa sa mga star ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsiyano” si Biaca Manalo na kilala bilang si Bubbles.

Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram

Kung kaya’t noong nakaraang buwan, ang aktres ay nagbahagi din ng larawan na kasama si Senator Win Gatchalian sa isang maliwanag na kumpirmasyon ng kanilang mainit at pinag-uusapang pag-iibigan.

Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram
Image courtesy: Bianca Manalo/Instagram

Sina Bianca Manalo at Senator Sherwin “Win” Gatchalian ay unang nakita na magkasama sa publiko noong Nobyembre 2018. Ipinagdiwang nina Manalo at Gatchalian ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan noong November 20, 2019.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *