Kahanga-hanga ang paraan kung paano mag-alaga ang isang Jolina Magdangal sa kaniyang asawa at dalawang anak

Isa si Jolina Magdangal sa mga iniidolo ng mga kabataan noon dahil bukod sakaniyang magandang boses ay may kakaiba pa itong Fashion taste pagdating sa pagpili ng kaniyang iba’t ibang mga hairstyles na siyang kinagigiliwan at ginagaya ng mga kababaihan noon. Minsan na rin tayong pinakilig ni Jolina sa kaniyang tambalan kasama si Marvin Agustin kung kaya naging isa rin itong sikat na aktres noon.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig



Sa dami na ng achievements ni Jolina sa kaniyang buhay, ang pagiging isang Mommy sa kaniyang anak na sina Pele at Vika ang isa sa kaniyang pinaka paboritong role sa kaniyang buhay dahil lubos ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman sa mga ito.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig
Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Masaya si Jolina at nagpapasalamat sa kaniyang naabot ngayon at sa mga kasalukuyang shows at proyekto na ibinigay sakaniya. Bukod sa pagmamahal sa kaniyang career sa pagiging artista, tutok na tutok ang aktres sa pagiging Mommy at Wife sa kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Kahit na busy ang aktres sa kaniyang mga taping ay hands-on pa rin ito sa kaniyang asawa at dalawang anak na si Pele at Vika. Hindi nito hinahayaan na lumipas ang panahon ng hindi niya ineenjoy ang bawat momento kasama ang mga anak dahil ang pagiging isang Ina para sakaniya ay isang napaka rewarding na bagay pata kay Jolina.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig



Pahayag ng aktres na importante para sakaniya ang makasama ang anak sa mga importanteng events lalong lalo na sa school upang maipakita niya na suportado niya ito sa little achievements ng kaniyang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Upang makahabol sa bonding moments ng mga bata, madalas mag out-of-town at mag out-of-the-country ang pamilya lalo na sa mga panahon na walang pasok ang mga ito at kung walang taping ang aktres.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Stress reliever niya ang kaniyang pamilya dahil nagdadala raw ng kasiyahan sina Pele at Vika sakaniya. Kaya naman hindi pinalalampas ng aktres ang mga moments at madalas niyang kuhanan ng litrato ang mga ito at ibahagi sa kaniyang Social media account dahil memorable ang bawat oras para sakaniya.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Nagpapasalamat rin ito sa kaniyang “Magandang Buhay” team dahil naiintindihan nila si Jolina bilang isang Ina kung saan hinahayaan nila ito na isama paminsan minsan ang kaniyang Baby Vika sa set upang mas mabantayan niya ito at mabigyan ng kaniyang breastmilk.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig
Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Habang ang kaniyang panganay na anak naman na si Pele ay pumapasok na sa eskwelahan at kagaya ng kaniyang ina ay namana nito ang kaniyang magandang boses.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Malaki ang interest ni Pele sa music at napakagaling rin daw nitong kumanta kung saan madalas din silang mag-duet ng aktres. Bukod rito, napakabuting anak din ni Pele at marunong sumunod sa kaniyang mga magulang.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig
Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Para sa aktres, wala ng mas sasarap pa sa pagiging isang Ina kung saan laging excited ito para sa kaniyang mga anak dahil para kay Jolina, uunahin niya ang kaniyang pamilya at hindi ito mapapagod na alagaan sila.

Image Courtesy: Instagram/mariajolina_ig

Napaka-swerte nga naman nina Pele at Vika at maging ang kaniyang asawa dahil mayroon silang isang Jolina Magdangal na maalaga at mahal na mahal sila! Good job Mommy Jolina.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *