Mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas ipinagdiwang ang kaarawan ng kambal nilang anak

Sina Korina Sanchez at ang asawa nito na si Mar Roxas ay nagdiwang ng unang kaarawan ng kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar noong Sabado.

Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram



Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Si Korina Sanchez ay ipinanganak noong Oktubre 5, 1964. Isang mamamahayag na Pilipino, tagapagbalita sa telebisyon, host show ng magazine, anchor ng radyo at kolumnista ng pahayagan. Ang asawa ni Korina Sanchez ay si Manuel Araneta Roxas II na mas kilala sa pangalan na Mar Roxas na ipinanganak noong Mayo 13, 1957.

Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Isa siyang pulitiko na nagsilbing senador ng Bansang Pilipinas. Siya ang apo ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Manuel Roxas. Pinakasalan ni Sanchez si Mar Roxas noong Oktubre 27, 2009 sa Quezon City.

Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram
Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Si Korina Sanchez ay 54 taong gulang samantang si Mar Roxas ay 61. Kaya hindi mapagkakaila sa mag-asawa na mahihirapan silang magkaroon ng anak. Ayon sa Kapamilya network, kinumpirma ng mag-asawa na ang kanilang kambal ay ipinaglihi o ipinanganak sa pamamagitan ng vitro fertilization.

Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram



Posible ito sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga itlog mula sa ina o ang tinatawag na egg cell. Pagkatapos ay lalagyan ng itlog mula sa ama na tinatawag namang sperm cell para mafertilize ang itlog. Pagkatapos nito, ang embryo ay inilalagay sa matris ng isang gestational surrogate mother. “Sa wakas, nandito na ang matagal na naming pinagdasal.

Akala namin hindi na mangyayari. After years of working on our baby project, ito na ang himala galing sa langit. Pahayag ni Korina. Para sa unang pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang mga anak na sina Pepe at Pilar, kung kaya ang mag-asawang celebrity ay nagdaos ng isang kasiyahan na ang tema ay barnyard party, na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

Kabilang sa mga panauhin ng nasabing kasiyahan ay ang mga tanyag at kilalang anak ni Vicky Belo na sina Cristalle Belo at ang kanyang kapatid na si Scarlet Snow Belo. Sa Instagram, ang “Rated K” host ay nag-post ng mga masasayang larawan mula sa pagdiriwang ng kanyang kambal na anak.

Image courtesy: Korina Sanchez/Instagram

“Si Pepe at Pilar ay nagkaroon ng pinakamainam at masasayang oras kahapon sa kanilang birthday farm kasama ang lahat ng kanilang mga bagong kaibigan na napapalibutan ng mga taong nagmamahal sa kanila … Nagpasalamat din si Korina sa mga taong dumating at nakisaya sa kaarawan ng kanilang kambal na anak.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *