Mayroon nang bagong buhay ang aktres na si Roxanne Guinoo matapos magpahinga sa pagiging artista

Sino nga ba namang hindi nakakaalala sa dating aktres na si Roxanne Guinoo. Ito na ang kanyang buhay matapos lisanin ang mundo ng showbusines. Si Roxanne Bosch Guinoo-Yap o mas kilala bilang Roxanne Guinoo ay isang Pilipina aktres at model. Ipinanganak noong Pebrero 14, 1986, sa Rosario, Cavite.

Image courtesy: Roxanne Guinoo-Yap/Instagram



Image courtesy: Roxanne Guinoo-Yap/Instagram

Sinimulan niya ang kanyang buhay sa mundo ng showbiz noong 2004 na kung saan natuklasan siya mula sa isang programa sa telebisyon na reality talent show competition na unang inilunsad ng kapamilya network ang “Star Circle Quest” kung saan ay naging kasama niya sina Hero Angeles, Sandara Park, Melissa Ricks, at Joross Gamboa at nakamit niya ang ikalawang gantimpala sa nasabing kompetisyon.

Image courtesy: Roxanne Guinoo-Yap/Instagram

Ito ang kanyang naging unang hakbang para makapasok sa mundo ng pag-aartista. Ngunit kalaunan ay lumipat sa kapuso Network noong 2012. Sa loob ng tatlong taong pananahimik niya, bumalik siya sa showbusiness sa Talent 5 Artist at lumitaw sa Valiente at isang episode sa Real Confessions. Pagkatapos noon ay bumalik ulit sa Kapamilya network noong 2015.

Image courtesy: Roxanne Guinoo-Yap/Instagram

Dito ay kung saan nakatakdang lumitaw siya bilang batang Amelia Guerrero sa teleserye na pinamagatang “The General’s Daughter.” Itinampok din ang s3xy-actress sa iba’t ibang mga pelikulang Pilipino, ilan sa mga programa sa TV at komersyal.

Image courtesy: Roxanne Guinoo-Yap/Instagram



Gumawa rin siya ng ilang mga palabas kasama ang kanyang kapwa contestant na si Joross Gamboa. Mula 2004 hanggang 2006, ito ang taon kung saan nagsimulang magkaroon ng relasyon ang dalawa.

Image courtesy: Roxanne Guinoo-Yap/Instagram

Noong 2007, nakumpirma na nakikipag-date siya sa dating co-star na si Jake Cuenca. Kung saan una silang nagkatambal sa Sineserye Presents: Natutulog Ba ang Diyos? Si Roxanne Guinoo ay nagsimulang makipag-date kay Elton Yap noong 2009 at magkasama nang halos 11 taon, 1 buwan, at 25 araw.

Image courtesy: Roxanne Guinoo-Yap/Instagram

Sa tagal ng kanilang pagsasama at pagmamahalan, Ikinasal si Roxanne sa young businessman na si Elton Yap noong Enero 23, 2011. Ngayon, ang 34 na taong gulang na aktres ay masaya sa kanyang buhay may-asawa kasama ang tatlo nilang anak na sina Sophia, Reine, and Rally.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *