Pinaghandaan ni Rochelle Pangilinan ang magarbong unang kaarawan at binyag ng kaniyang Baby Shiloh

Ang kauna-unahang kaarawan ng mga bata ang isa sa mga pinakamalaking kaganapan sa bawat pamilya, lalong-lalo na sa mga magulang, at ito ay kadalasang pinaghahandaang mabuti. Ito ang magmamarka sa unang taon ng kanilang buhay dito sa mundo kaya naman talagang espesyal ito at nararapat lang na ipagdiwang.

Ang mga sikat na personalidad naman sa industriya ng showbusiness ay lalong hindi magpapahuli sa mga ganitong klase ng handaan, kagaya na lamang ng magarbong Snow White and the Seven Dwarves themed party para kay baby Shiloh, ang anak ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan



Taong 2017 nagpakasal si Rochelle Pangilinan at aktor na si Arthur Solinap kung saan kalagitnaan naman ng sumunod na taon (2018) ay napag-alamang magkakaroon na sila ng panganay. Ika-24 ng Pebrero taong 2019 nanganak si Rochelle ng isang malusog na baby girl at pinangalanan nila itong Shiloh Jayne.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan
Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan

Ngayong 2020 ay nagdiwang na ng kanyang ika-1 kaarawan si baby Shiloh at isang napakagandang party ang inihanda ng kanyang mga magulang para sa kanya nitong February 25, isang araw mula sa aktwal na araw ng kapanganakan nito.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan

Maliban sa pagdidiwang ng kanyang birthday ay naganap rin sa mismong araw na iyon ang Dedication ceremony bilang pagwe-welcome sa kanya sa Christian world kaya naman doble ang naging selebrasyon.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan



Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan

Naganap ang kasiyahan sa social hall ng Ayala Hillside Estates at ang buong venue na ito ay napuno ng mga palamuti na ayon sa napiling theme nila na Snow White.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan

Ang dessert, souvenirs at iba pa ay naka-ayon rin sa tema ng sikat na Disney princess. Mayroon itong malaking cake na mukhang kastilyo at ang mga damit na suot nilang mag-ina ay hindi rin nagpahuli.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan
Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan

Nagkaroon rin ng mga booths sa nasabing party na maaaring lapitan ng mga bisita para sa pagkain, inumin o kung ano pa man at ilan sa mga ito ang isang milk tea stand, japanese food, sorbetes cart, at iba pa.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan
Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan

Dumalo sa nasabing party ang kanilang mga malalapit na kaibigan, mga kamag-anak at pati na rin ang ilan sa mga sikat rin kagaya ng mag-asawang sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Baby Zia.

Image Courtesy: Instagram/rochellepangilinan

Sa post ni Rochelle sa kanyang Instagram ay pinasalamatan nito ang lahat ng mga dumalo at gayun din ang mga taong responsable sa likod ng masayang party. Ayon kay Rochelle, hindi na ito makapaghintay na ipakita ang mga litratong kuha sa araw na iyon sa kanyang anak kapag ito ay lumaki na.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *