Cristine Reyes, ibinahagi ang simpleng Getaway sa Tanay, Rizal kasama ang kaniyang anak na si Amarah

Prioridad ngayon ng aktres na si Cristine Reyes ang pagkakaroon ng mas maraming oras para sa kaniyang pamilya lalong-lalo na sa anak niyang si Amarah. Sa kabila nga ng sunod-sunod niyang proyekto bilang artista ay kapansin-pansin na nabibigyan niya pa rin ng panahon na mamasyal at magbakasyon kasama ang anak.

Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes



Ayon sa aktres, ginagawa niya ang bagay na ito dahil nais niyang maipakita kay Amarah kung gaano niya ito kamahal at na mayroon itong oras para sakaniya.

Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes

“Kailangan ‘yong oras ng bawat isa ang mahalaga sa atin sa buhay, pahalagahan mo rin at ibigay mo ‘yong best mo. Kung sino ‘yong mahal mo, iparamdam mo na mahal na mahal mo siya”, paghayag ng aktres sa isang prescon.

Kaugnay nito, kamakailan lang isinama muli ni Cristine ang anak sa isang hindi makakalimutang adventure nang akyatin nila ang bundok ng Tanay, Rizal. Sa kaniyang Instagram account ay makikitang kasama rin nila ang iba pa nilang kaibigan at hindi rin pinalagpas na makita ang napaka-gandang ‘rock formation’ sa Mount Daraitan.

Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes
Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes
Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes

Ginagawa ng aktres ang bagay na ito dahil para sa kaniya ay hindi kayang pantayan ng kahit anong materyal na bagay ang oras na naibibigay niya sa anak. Maliban dito ay batid rin niyang maikli lang ang buhay sa mundong ito kaya naman mas maigi ng maibigay niya ang lahat ng kaya niya para sa pinakamamahal na anak.

Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes



Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes

“Kasi na-realize ko na maiksi lang ang buhay natin. And ‘yong time ang pinakaimportante sa buhay, hindi pera dahil hindi mo malalaman kung hanggang kailan ka lang dito sa mundo. Kaya gusto kong ibigay lahat ‘yon kay Amarah.”

Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes
Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes

Mukha ngang nahanap na ng aktres ang kaniyang “best travel buddy” sa katauhan ng kaniyang nag-iisang anak na babae. Kaya naman, nangako rin itong magkasama nilang lilibutin ang mundo at gagawin niya ang lahat para lang sa kaligayan ng anak.

Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes
Image Courtesy: Instagram/crsitinereyes

“Maglalakbay tayo sa buong mundo. Walang hahadlang satin. Magkasama tayo sa hirap at ginhawa, kakayanin ko ang lahat. Pangako anak,” pagbabahagi ni Cristine sa kaniyang Instagram account.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *