Dimples Romana, ibinahagi ang Vacation Trip sa Finland kasama ang pamilya

Karamihan sa mga artista ay may tinatawag na “iconic role” o yung mga pagganap nila sa isang karakter na talagang tumatak sa mga manonood at habang buhay nang maididikit sa pangalan nila.

Para sa aktres na si Dimples Romana, masasabing ang iconic role nito ay ang kontrabidang si Daniela Mondragon mula sa patok na patok na serye sa telebisyon na ‘Kadenang Ginto’. Sa taas ng ratings ng nasabing show ay tumagal ito ng mahigit isang taon kaya naman ang trabaho rin ng mga artistang kagaya ni Dimples ay napahaba rin.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana



Ngayong tapos na ang serye, nagkaroon na rin sa wakas ng oras ang aktres para sa kanyang pamilya at bumawi ito nang todo sa pamamagitan ng isang engrandeng bakasyon sa Europe.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

Lumipad si Dimples kasama ang kanyang asawa na si Boyet Ahmee at dalawang anak na sina Callie at Alonzo patungong Finland, ang kanilang unang destinasyon.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

Tumuloy ang mag-anak sa isang igloo na gawa sa salamin kung saan makikita nila ang kalangitan mula sa kanilang higaan lalong-lalo na sa gabi kapag nagkaroon ng aurora borealis o ang tinatawag na “northern lights”. Ito ay ang paglabas ng magagandang kulay sa kalangitan na ayon kay Dimples ay kasama sa bucketlist ng kanilang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana



Ang bawat igloo sa kanilang tinuluyang lugar ay may alarm system kung saan tutunog ito kapag nagkaroon ng aurora borealis, kaya hindi kailangan mag-alala ng mga turista dahil paniguradong malalaman nila kapag nagkaroon nito.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

Habang naroon sila sa Finland ay sumubok sila ng iba’t-ibang mga activities na pwede nilang gawin sa snow katulad ng ice fishing at sledding. Hinayaan ng mag-asawa ang panganay nilang si Callie na magmaneho ng sarili nitong sled dahil nais nila itong i-encourage na maging independent bilang paghahanda na rin sa pagpasok nito sa isang pilot school sa Australia sa susunod na taon.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

Mahirap nga naman ang maging magulang at mahirap rin ang balansehin ang trabaho at personal na buhay, kaya naman tuwing may pagkakataon ay inilalaan talaga ni Dimples Romana ang kaniyang oras para sa kanyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana



Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

Matapos sa Finland ay tumungo ang mag-anak sa Amsterdam, Netherlands bago sila umuwi sa Pilipinas. Balik trabaho na muli ang aktres sa kasalukuyan at looking forward ito sa susunod nilang bakasyon.

“Letting go of all the bad and soaking in all the good. Exploring Amsterdam Netherlands today. Nothing beats having inner peace, love of family and grace of the heavens”, caption ni Dimples sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana



Image Courtesy: Instagram/dimplesromana
Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

Truly blessed talaga si Dimples dahil sa kaniyang pagiging isang magaling na aktres na nagbukas sakaniya ng maraming opportunities para magkaroon ng maraming projects. Deserved nga naman ng aktres ang bonggang bakasyon na ito kasama ng kanyang pamilya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *