Importante para kay Liza Soberano ang Family Time kaya madalas niyang i-treat sa labas ang kaniyang pamilya

Ang swerte nga naman ni Liza Soberano dahil sa kaniyang sunod-sunod na mga proyekto sa showbusiness dahil na rin sa kaniyang loveteam partner na si Enrique Gil. Halos nakamit na nito ang kaniyang tagumpay na sumikat at makilala ng mga tao na noon lamang ay kaniyang pinapangarap.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano



Sa kabila ng lahat ng kaniyang nakamit sa kaniyang buhay, nananatili pa rin itong humble at thankful lalong lalo na sa kaniyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Mataas pa rin ang respeto niya sa mga ito kaya naman hangga’t maaari ay ibinibigay nito ang pangangailangan ng kaniyang pamilya upang guminhawa ang kanilang buhay.

Kaya naman upang maiparamdam ni Liza ang kaniyang pasasalamat, madalas niyang i-treat at ipa-bakasyon sa labas ang kaniyang pamilya kasama na rin si Enrique Gil.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano

Sa katunayan, nagsama ang mga pamilya nina Liza at Enrique noong nakaraang holidays sa U.S kung saan ipinakita rin ni Liza ang bagong tayo na bahay nila doon na kaniyang naipundar para sa kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano



Para sa aktres, gagawin nito ang lahat para sa kaniyang mga magulang at sa kaniyang mga nakababatang kapatid dahil sila ang pinakaimportante sa kaniyang buhay.

Kamakailan nga lamang ay nagkaroon sila ng quick weekend getaway kasama ang kaniyang pamilya sa The Farm at San Benito. Ito ay isang health and wellness resort sa Lipa Batangas na kilala lalong lalo na sa mga taong gustong magde-stress at mag-relax dahil sa kanilang kakaibang approach upang matanggal ang pagod at stress ng isang tao.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano
Image Courtesy: Instagram/lizasoberano

Isa itong sought-after na resort dahil limitado lamang ang makakapag-book dito dahil kakaunti lamang ang kanilang mga rooms upang hindi maging crowded ang lugar at maramdaman ng mga bakasyonista ang tahimik at relaxing atmosphere.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano

Ibinahagi ni Liza Soberano ang kaniyang mga litrato sa kaniyang Instagram account kung saan kasama ng aktres ang kaniyang pamilya at ang partner na si Enrique Gil sa resort na ito noong nakaraang linggo upang mag-relax at magbakasyon kasama ang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano



Image Courtesy: Instagram/lizasoberano

Matapos ang kanilang bakasyon ay balik trabaho na naman ang aktres dahil sa kaniyang shooting at upcoming shows kung saan magiging busy nanaman ang kaniyang schedule. Subalit nagpapasalamat ito dahil nagkaroon ito ng simple at relaxing na quick getaway kasama ang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano
Image Courtesy: Instagram/lizasoberano

Mahalaga para kay Liza ang bawat oras na kaniyang maaaring ilaan sa kaniyang pamilya dahil minsan niya lamang ito makasama. Kaya naman hanggat maaari ay inilalaan niya ang kaniyang free time kasama ang mga magulang at kamag anak pati na rin ang kaniyang partner na si Enrique Gil.

Image Courtesy: Instagram/lizasoberano

“Lahat ng ginagawa ko, para sa family ko. That’s how much I love them. That’s why I want to be healthy for them”, pagbabahagi ni Liza sa isa sa kaniyang post sa Instagram.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *