Ganito ang paraan ni Richard Gutierrez sa pag-disiplina ng kaniyang mga anak sa tamang paraan

Obligasyon ng bawat magulang na pangalagaan ang kanilang mga anak at maibigay ang kanilang pangangailangan habang lumalaki ang mga ito. Kabilang na rin dito ang tamang pagtuturo sa kanila ng mga bagay-bagay na kailangan nilang malaman pati na rin ang pagdidisiplina upang masigurong lalaki sila bilang mabubuting mamamayan. Hindi nga biro ang responsibilidad na ito lalo na at iba-iba ang mga ugali ng bawat bata kaya naman nag-iiba rin ang paraan ng kanilang pagdidisiplina.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz



Ang ilang magulang ay strikto sa kanilang mga anak at mayroong naka-ambang parusa kapag nakagawa sila ng mali. Para sa ilan ay epektibo ang paraan na ito ngunit para sa aktor na si Richard Gutierrez, nais niyang “relax” lang pagdating sa pagdidisiplina ng dalawang anak na lalaki na sina Zion at Kai Gutierrez.

Image Courtesy: Instagram/sarahlahbati

Habang lumalaki kasi ay napansin ng aktor na hindi ganoon kahigpit sa kanilang magkakapatid ang ama niyang si Eddie Gutierrez.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz
Image Courtesy: Instagram/richardgutz

Nagagawa nila ang mga bagay na gusto nilang subukan habang lumalaki ngunit ganoon pa man, hindi ito nagkulang sa pag-gabay sa kanila at itinuturo pa rin kung ano ang tama at mali. Naaalala niyang nakakatanggap lang siya ng matinding disiplina sa ama kung sobra na talaga ang ginawa niyang pagkakamali.

Image Courtesy: Instagram/sarahlahbati

Image Courtesy: Instagram/richardgutz



Nagustuhan ni Richard ang ganitong pagpapalaki ng mga bata base na rin sa kaniyang karanasan kaya naman ganito rin ang nais niyang gawin sa kaniyang mga anak bilang siya ay isa na ring ama. Aminado siya na nasa proseso pa rin siya ng pag-aaral kung papaano maging isang mabuting ama at ang mahalaga sa kaniya ay nagkakaroon siya ng “quality time” kasama ang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz
Image Courtesy: Instagram/richardgutz

Sa ganitong paraan kasi ay mas nakikilala niya ang ugali ng mga ito at nakakaisip ng mas mainam na paraan kung papaano niya ito mapapalaki ng tama sa tulong na rin ng kaniyang asawa.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz

Mahirap man ang responsibilidad bilang isang magulang ay masaya si Richard sa pagkakaroon nila ng anak ng aktres na si Sarah Lahbati lalo na at isa ito sa mga nagpapatibay ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *