Sila ang mga celebrity couple na hindi pinalad ang relasyon at nabuwag nito lamang na taong 2019

Bawat tao ay may kanya-kanyang hinahangaang celebrity couples. Minsan nga mapapa-sana all ka nalang, kasi maliban sa magaganda at gwapo ay talaga namang malalaman mong dumaan na sa maraming pagsubok ang kanilang pagsasama, kung baga nga #JourneyToKasalanNa.

Pero sa kabilang banda, may mga ilang celebrity couples din ang hindi nagtagal at hindi pinalad ang relasyon sa kadahilanang hindi nalagpasan ang mga problema at pagsubok na dumaan sa kanilang relasyon.

Ang mga sumusunod ay ang mga kilalang celebrity couple na naghiwalay noong 2019:



1. Gerald Anderson at Bea Alonzo

Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram
Image courtesy: Bea Alonzo/Instagram

Sino nga ba ang hindi makakatanda sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo? Ang bawat isa ay may kanya-kanyang paliwanag matapos ang kanilang hiwalayan ayon sa ulat ng MSN. Paliwanag ni Bea sa presscon sa kanyang bagong show, walang pormal na hiwalayang nangyari sa kanilang dalawa ni Gerald.

“Sa pagkakaalam ko, hindi kami nagbreak. Nagsimula nalang siyang hindi ako kausapin at hindi magparamdam,” dagdag pa ng aktres.

Paliwanag naman ng aktor, “Ang nangyari sa relasyon namin ay parang nangyayari lang din sa ibang relasyon, mag-aaway pagkatapos mag-aaway ulit and then mag-aaway ulit at ito na ngayon, nagkaroon kami ng malaking pag-aaway. Dahil sa pag-aaway na nangyari ay nailabas lahat ng nararamdaman ng bawat isa hanggang sa aming napagtanto na hindi na masaya yung relasyon namin. At nasasaktan na namin ang isa’t isa. Hanggang sa dumating sa punto na ayaw na namin ang isa’t isa.

2. Pia Wurtzbach & Marlon Stockinger

Image courtesy: Pia Wurtzbach/Instagram
Image courtesy: Marlon Stockinger/Instagram

Karamihan sa atin ay kilalang-kilala si Pia Wurtzbach. Siya lang naman ay naging Miss Universe. Pero ano nga ba ang kanyang buhay pag-ibig? Ang kasintahan ni Pia ay si Marlon Stockinger. Oh! Ang swerte diba. Akala mo lang yun. Pero ang totoo, ang dalawa ay nagbreak noong nakaraang Disyembre. At ayon sa kapamilya network, kinumpirma mismo ng beauty queen ang nasabing hiwalayan.

“Totoo, na hindi na kami ni Marlon. Hiling ko na maging maayos siya at ganun din ang kanyang pamilya. Gusto ko lang linawin na – si Marlon at ang kanyang pamilya ay hindi dumipende sa akin financially. Ito lamang ang aking magiging pahayag. Salamat sa inyong suporta.”



3. Julia Barretto & Joshua Garcia

Image courtesy: Julia Barretto/Instagram
Image courtesy: Joshua Garcia/Instagram

Naging maingay sa social media ang hiwalayang Julia Barretto at Joshua Garcia. Sa isang panayam ng kapamilya network, pinaliwanag ni Julia na kahit wala na sila ni Joshua ay nananatili silang magkaibigan.

“Sa ngayon, babalik muna kami kung saan kami nagsimula. We’re now best of friends. Pinahahalagahan namin ang pagiging magkaibigan naming dalawa. At kung nag-aalala ang aming mga tagahanga at tagasuporta, masisiguro namin na wala silang dapat ipag-alala. Hindi magwawakas ang tambalang JoshLia.”

4. Joem Bascon & Crisha Uy

Image courtesy: Joem Bascon/Instagram
Image courtesy: Crisha Uy/Instagram



Sabi nga ng iba, hindi porke’t matagal na kayo ay hindi kayo maghihiwalay. Katulad nalang sa nangyari sa celebrity couple na sina Joem Bascon at Crisha Uy na umabot sa mahigit 8 taon na pagsasama. Ngunit ang matagal na relasyon ay umabot din sa hiwalayan.

Ayon sa panayam ng kapamilya network kay Joem, “Mas maganda ng tapusin. Kasi kung ipagpapatuloy pa, para sa akin magiging magulo lang. So, sa tingin ko dapat na talagang tuldukan,” pahayag ng aktor.

“Umaasa ako na maging magkaibigan parin kami sa kabila ng nangyari. Pero alam naman natin na wala namang hiwalayan na hindi ka masasaktan. So, masakit parin sa aming dalawa. Sa ngayon, nakakausap niyo ako ng maayos kasi nababaling ko sa trabaho ang aking nararamdaman.

Masaya ako kasi sa kabila ng nararamdaman ko ay marami akong nakakasamang tao. Pinupokus ko yung sarili ko sa aking trabaho at mga kaibigan para hindi ko maisip ang nangyari,” paliwanag ng aktor.

5. Catriona Gray & Clint Bondad

Image courtesy: Catriona Gray/Instagram
Image courtesy: Clint Bondad/Instagram 

Sino ba ang hindi nakakakilala sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na nagpatili sa maraming Pilipino na nagsubabay ng kanyang laban para makamit ang pinag-aagawang titulo na Miss Universe. Nagwagi rin kaya ang kanyang buhay pag-ibig.?

Naging usap-usap din ang hiwalayang Catriona Gray at Clint Bondad. Maraming haka-haka ang lumabas tungkol sa hiwalayan ng dalawa. Pero narito ang pahayag ng Miss Universe ayon sa balita ng kapamilya network, “Ito ay talagang dumaan sa matinding kontrobersyal.

Naging mahirap ang pinagdaanan ko sa kompetisyon. At ang parehas na pangyayari na nangyari sa akin sa mga oras na iyon, ay kailangan kong ipagpatuloy at paalalahanan ang aking sarili na ang pagkakataong ito ay isang beses lang sa buhay ko mangyayari.

Kapag matagal na kayong magkasama at nagsimula ka sa murang edad, ikaw ay matututo. Maging ito ay para sa iyong sarili o sa iyong karera sa buhay- kung minsan ay parang nalalamangan niyo lamang ang bawat isa, ”pahayag ni Catriona.

“Kung kami ay para sa isa’t isa, siguro mangyayari ito sa hinaharap pero sa ngayon,” basi sa kanyang ipinakitang body gesture ay nagpapahayag ng “NO”.

6. Heaven Peralejo & Jimuel Pacquiao

Image courtesy: Heaven Peralejo/Instagram
Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Instagram



Isa rin sa mga pinag-uusapan noong taon sa social media ay ang pag-iibigan nina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao. Ang dalawa ay parehong hindi pa gaanong kilala sa mundo ng showbiz. At ang nasabing hiwalayan ng magkasintahan ay kumalat sa social media. Si Jimuel Pacquiao ay anak ng Senador na si Manny Pacquiao.

“Nagsalita at nagbigay ng kanyang sagot si Heaven tungkol sa hiwalayan nila ni Jimuel sa programa ng kapamilya network na Magandang Buhay. At ito ang naging pahayag ng dalaga, “Laging sinasabi na akin ng mom ko… Huwag mong hayaan ang sinuman na iparamdaman sayo na hindi ka sapat, dahil ikaw bilang ikaw, ay sapat na.

At kapag nangyari iyon, matuto kang bumitaw”, sabi ng dalaga.
Dagdag pa ng dalaga, tunay ngang may mga tao talagang darating sa buhay mo, pero masasabi mo nalang na “Pinagtagpo pero hindi itinadhana”.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *